top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

'Di raw siya bagay sa BF... XYRIEL NAPIKON, TODO-PATOL SA BASHER

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 15, 2024
1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 15, 2023




Matapang na sinagot ng Kapamilya star na si Xyriel Manabat ang comment ng isang netizen tungkol sa non-showbiz boyfriend ng aktres.


Sey kasi ng basher ni Xyriel sa larawang ibinahagi ng kanyang boyfriend na si Nathaniel Toledo, hindi raw bagay ang aktres sa kasalukuyang boyfriend nito.


Hindi naman basta nanahimik ang aktres at sinagot ito ng, "Hindi rin kayo bagay ng baby daddy mo."


Ikinagalit naman ito ng basher ni Xyriel at agad na nag-direct message sa kanya sa Instagram.


Saad nito, nasaktan daw siya dahil inakala nitong idinamay ng aktres ang kanyang baby.

Sinabi pa nitong handa raw niyang halikan ang paa ng artista basta 'wag idamay ang kanyang anak.


Dagdag pa ng basher, 'di raw alam ni Xyriel na ipinapahiya niya ang anak nito higit sa kanilang dalawa ng aktres.


Kung palalagpasin ito ng ibang artista, si Xyriel, agad nag-post ng screenshot ng naging mensahe sa kanya ng netizen sa kanyang IG story.


'Di pa rin naman nanahimik ang netizen kaya sinagot na ito ng aktres at sinabing ang netizen ang unang nandamay sa kanyang boyfriend.


Sey ng aktres, "Now iguiguiltrip mo ko when I’m not even pertaining to your baby AT ALL. I said “baby daddy” means im talking about your partner labas dito baby mo and hindi ako mababaw."


Sinundan pa ito ng, “DON’T INVALIDATE MY FEELINGS, MOMMA. EVER.”


Binura na ng basher ang comment nito. Inulan naman ng samu't saring reaksiyon mula sa madlang pipol ang ginawang pakikipagsagutan ng aktres sa kanyang basher.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page