‘Di raw obligasyon ng magulang… DANICA AT OYO, TANGGAP NA WALANG MANA KINA DINA AT VIC
- BULGAR

- 6 hours ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 27, 2026

Photo: IG _dinabonnevie
Ibinunyag na ni Coco Martin ang collaboration project nila ni Dingdong Dantes kasama ang AKTOR League of Filipino Actors.
Sa panayam ng ABS-CBN sa Kapamilya Primetime King, sinabi niyang binabalak niyang mag-produce ng stage play kasama ang organisasyon.
Kuwento niya, nagsimula raw mabuo ang planong ito nang magkaroon sila ng first meeting with Charo Santos at Dingdong Dantes. Dito ay sinabi raw niya ang kanyang plano.
“Gusto ko pong mag-produce ng isang stage play. Sana sa AKTOR PH, tayo ang nagbibigay ng trabaho. Sabi ko, ako ang magpo-produce, isip tayo ng konsepto,” sey ni Coco.
Sinabi rin ng aktor-direktor-producer na touched siya sa pahayag ni Dingdong nang mag-post ito ng larawan nila sa social media.
“Kami ni Kuya Dong, iisa ang hangarin. Sobra nga akong natuwa sa message n’ya na kahit magkaiba kami ng network, at magkatapat pa ‘yung show namin ngayon, pero ‘yung hangarin namin na makatulong sa industriya, lalung-lalo na kami na nandito ngayon at may kakayahan nang makatulong sa artista, bakit hindi?” saad ni Coco, na bagong miyembro ng AKTOR.
Wala pang sinabing detalye ang aktor tungkol sa stage play na gagawin nila kaya abangan na lang natin ang kanilang mga susunod na announcement.
NAPANOOD na namin ang first two episodes ng Someone, Someday (SS), ang much-awaited teleserye comeback nina James Reid at Kathryn Bernardo sa special screening na ginanap noong Lunes.
Ang masasabi lang namin, sulit ang lahat ng paghihintay ng mga fans sa pagbabalik sa telebisyon ng kanilang mga idolo.
Sa totoo lang, na-miss namin si James sa ganitong klaseng role matapos ang On the Wings of Love (OTWOL) at Till I Met You (TIMY) nila ni Nadine Lustre noong 2015-2017.
And mind you, he still has that same heartthrob aura at parang hindi siya tumatanda, huh?!
In fairness, first episode pa lang, ramdam na namin ang malakas na chemistry nila ni Kathryn, especially sa dance scene nila.
Sa first episode pa lang ay mahu-hook ka na dahil wedding scene agad ni Kathryn bilang Billy ang tatambad. Hindi na namin sasabihin pa kung ano ang mangyayari sa kasalan.
Kaabang-abang din ang karakter ni Maja bilang Abby na nagpatikim na agad ng kahusayan sa pag-arte. Gustung-gusto namin ang eksena niya sa cliffhanger ng Episode 2 na nakangiti lang, walang dialogue pero kikilabutan ka.
Iikot ang kuwento ng SS sa buhay ni Billy, isang babaeng nagpupursige para sa kanyang pamilya bilang boss ng sarili niyang kumpanya at may matinding malasakit para sa ikabubuti ng mga kababaihan.
Sa kabila ng kanyang pagiging CEO ng dating app na ‘Love List’, mas importante para kay Billy na mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pinakamamahal na pamilya, lalung-lalo na ang kapatid niyang si Oliver (Migz Casimiro), na mag-isa niyang pinalaki.
Sa pagharap niya sa mga pagsubok sa buhay, mas magiging close si Billy sa best friend niyang si Jordan (James), lalo na nang pumasok sa buhay niya si Abby, isang misteryosong babae na tila may kahina-hinalang motibo.
Ang Someone, Someday ay mula sa direksiyon nina Chad V. Vidanes at Dolly Dulu.
Kasama rin dito sina Dimples Romana, Rowell Santiago, Rita Avila, McCoy De Leon, Daniela Stranner, at Migz Casimiro.
Mapapanood na ang modern, feel-good at progressive series with a heart simula July 27, 8:45 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa Facebook (FB) at YouTube (YT).





Comments