‘Di raw niya taon ang 2025… SEN. BONG, TALONG SENADOR, ATRAS DING MAG-JOIN SA MMFF
- BULGAR

- Jul 8, 2025
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 8, 20255
Photo File: Bong Revilla Jr. - FB
Marami sa mga entertainment press ang natuwa nang makitang muli si Bong Revilla, Jr. matapos ang midterm elections.
Bale first public appearance niya ito para dalawin ang yumao niyang manager na si Lolit Solis.
Alam ng lahat na hindi pinalad si Bong na makapasok sa Top 12 senators, isang bagay na labis na pinagtatakhan ng marami dahil masipag at working senator naman ang aktor.
Naging author siya ng maraming batas tulad ng Senior Citizens Expanded Act at ang pagdaragdag sa allowance ng mga guro.
Aminado si Bong na nasaktan siya sa kanyang pagkatalo noong nakaraang eleksiyon. Pero sa payo ng kanyang manager na si Lolit Solis at ng malalapit na kaibigan, bumangon siya at nag-move on.
May mga nagsasabi naman na karapat-dapat siyang bigyan ng puwesto ni PBBM upang patuloy na makapaglingkod sa mas nakararaming Pinoy.
Pero ayaw daw munang isipin ‘yun ni Bong. One year muna ang palilipasin bago bigyan ng posisyon ang mga natalong kandidato.
Samantala, nababalitang balak daw gumawa ng movie si Bong Revilla, Jr. na ilalahok sa MMFF 2025 sa December. Kakayanin niya kayang tutukan ito dahil hindi na siya magiging abala sa pulitika?
Natanong nga namin ito kay Bong sa wake ni Manay Lolit Solis. Sey niya, “Huwag muna siguro ngayon. It's not my year. May mga nangyaring malulungkot. At heto, nawala pa ang manager kong si Nanay Lolit. Pahinga muna ako ngayon sa pulitika at pelikula.”
MAY mga netizens ang nagsasabing kahit hindi si Shuvee Etrata ang nanalo sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition kundi si Mika Salamanca, nararamdaman nilang mas okey ang Cebuanang dalaga. May pagka-jologs kasi ito at komedyana pa.
Natural na natural siyang kumilos at magsalita. Para siyang si Melai Cantiveros na magaling mag-adlib kaya marami ang natutuwa sa kanya.
Dapat ay i-build-up nang husto itong si Chuvee at bigyan ng projects o shows upang mag-shine ang career.
Sa hanay naman ng mga guys sa PBB Celebrity Collab Edition ay malakas ang karisma ni Dustin Yu, ang BFF ni David Licauco. Pang-bida at pang-leading man ang porma ni Dustin at malawak ang fan base.
Tuwang-tuwa rin kay Dustin ang maraming vloggers dahil mabait at maganda ang PR, kaya handa silang suportahan ang career nito.
SUCCESSFUL ang ginanap na awarding ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce, Inc. sa mga winners ng TikTok Video Competition.
Mahigit 176 videos ang lumahok sa kompetisyon para sa 50th anniversary ng FFCCCII. Ang theme ng TikTok videos ay tumalakay sa cultural ties at friendship between Philippines at China.
May napiling Top 10 entries sa TikTok na mula sa iba't ibang rehiyon ng ‘Pinas. Pinagkalooban sila ng plaque of recognition plus ten thousand pesos each.
May nanalo rin ng 3rd, 2nd at Grand Winner. Nanalong Grand Winner si Mark Capareda ng Tagum City, Davao del Norte at tumanggap ng P100,000 cash prize. Second prize si Emmanuel Labrador ng Navotas at tumanggap ng P50,000. Ang 3rd prize ay si Richard Samulde ng South Cotabato na may P20,000 cash prize.
Ang awarding ng TikTok winners ng FFCCCII ay dinaluhan ni Mr. Victor Lim na FFCCII president at iba pang opisyal ng samahan sa pakikipagtulungan ni Wilson Flores, ang head ng Media and Public Information Committee ng FFCCCII.










Comments