top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

'Di raw nakapagpigil sa sobrang inis… CONGW. VILMA, UMAMING MAY LALAKING SINAKSAK SA BINTI

BULGAR
Sep 19, 2021
3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 19, 2021



Ang dami na naman naming tawa sa bagong FB at IG Live ng mag-inang Star for All Seasons-Congresswoman Vilma Santos at Luis Manzano last Friday night.


Kesehodang halos isang oras silang nag-live, eh, hindi kami na-bored sa kakulitan ni Luis at pagiging natural nila ni Ate Vi, with of course, Luis' 'Howhow' Jessy Mendiola on the side at join din ang pamangkin ni Ate Vi na parang anak na rin daw nito na si Carla.


May ilang beses namang 'pasilip' kay Ryan Christian na bunso ni Ate Vi, na sabi nga ni Luis, tumataas ang views 'pag nagpapakita ito sa camera.


Siyempre, may mga bago na naman silang pa-big reveal sa kanilang FB at IG Live, tulad na lang ng pambubuking ni Luis sa kanyang Momskie na may sinaksak na raw ito.


Paulit-ulit pang sinabi 'yun ni Luis, kaya naman natatawa na lang na inamin at kinumpirma ni Ate Vi na totoong may sinaksak siya kasunod ang buong kuwento na nangyari raw ito nu'ng Grade 4 pa lang siya, sa edad 9.


Pag-amin ni Ate Vi, 'di siya nakapagpigil sa pang-aasar-pambu-bully ng kanyang kaklase na katabi niya sa upuan na itago na lang daw sa name na Mr. RP (Robin Padilla or Rommel Padilla? Char!)


Kaya nu'ng breaktime na nila, inabangan daw niya ang naturang makulit na kaklase sa monkey bar at habang nakalambitin ito ay sinaksak niya ng bagong-tasang lapis sa binti!

Hahaha! Iba rin si Ate Vi, devah? Gabrielang 'di paaapi, alam na!


But of course, 'di proud si Ate Vi sa kanyang ginawa at sabi nga niya sa mga viewers, 'wag gagayahin 'yun dahil na-principal's office yata siya dahil du'n.


Isa pang inamin ni Congw. Vilma ay hindi raw talaga siya umiinom ng alak dahil nama-migraine siya sa alcohol. Pero nu'ng mayor pa raw siya ng Lipa, Batangas, out of pakikisama sa mga kapitan niya, nu'ng minsan daw na tagayan siya ng gin ay 'bumarik' (read: uminom, tumoma, nagmamam) siya at nasarapan naman daw siya lalo't may pulutang manggang hilaw.


O, devah?! 'Kakabilib talaga si Congw. Vilma, amazing!!!


It only proves na kahit nasa pedestal na ang tingin sa kanya ng maraming Pinoy, eh, normal na tao pa nga rin si Ate Vi. At du'n talaga kami bilib na bilib sa kanya, sa galing niyang makisama sa kahit sino — mapa-mahirap o mayaman, kaya niyang makibagay.

No wonder na love na love talaga siya ng marami at kahit bihira siyang gumagawa ng movies, eh, never siyang binitawan o iniwan ng kanyang mga solid fans… at isa na po kami ru'n, pramis!


Samantala, panay naman ang kantiyaw ni Ate Vi sa kanyang daughter-in-law na si Jessy at pambubuking nga niya sa misis ni Luis, ang takaw-takaw daw nito ngayon at lafang nang lafang ng manggang hilaw.


Huwoooow! Magkakaroon na nga ba ng 'Baby Howhow' ang lovely couple na sina Luis at Jessy?


Sabay-sabay nating abangan!


But wait, bukod diyan, abangan din natin ang first vlog ni Ate Vi (yes, vlogger na rin ang Star for All Seasons) sa Sept. 26 na kung saan ipapakita raw niya ang mga napanalunang trophies at awards sa kanyang ilang dekadang pagiging bahagi ng Philippine Movies.

So, i-like at mag-subscribe na sa YouTube Channel ni Ms. Vilma Santos-Recto sa YouTube dahil ang pramis ni Ate Vi, ang kikitain ng kanyang mga vlogs ay ibabalik din niya sa mga fans na manonood nito!


Yes, true at bongga, devah?!


Imagine, kung ang ibang vloggers, gumagawa ng content for their personal interest na kumita, si Congw. Vilma, magba-vlog para makapagpasaya ng kanyang mga fans at makatulong sa mga ito lalo na ngayong pandemic!

Kaya Ate Vi… ikaw na talaga!!!




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page