top of page
Search
  • BULGAR

'Di raw nagsusustento sa mga anak... Claudine, tuloy ang VAWC case kay Raymart

ni Angela Fernando @News | May 4, 2024


Maraming netizens ang naantig sa ibinahaging kuwento ni Claudine Barretto sa YouTube channel ni Ogie Diaz kamakailan.


Nilinaw kasi ni Claudine kung ano'ng nangyari bago nawala ang dati nitong nobyo na si Rico Yan at winakasan ang mga isyung nakabalot patungkol dito.


Paglilinaw niya, hindi nagsabay si Raymart Santiago at si Rico dahil hindi naman daw nanliligaw nu'ng mga panahong 'yun ang dati niyang mister sa kanya.


Sey din ni Claudine, isasarado na niya ang chapter ng kanyang buhay kung saan dinala niya nang 22 years ang bigat upang makapagbukas ng panibagong yugto.


Matapang ding inamin ni Claudine kay Ogie na muli siyang magsasampa ng VAWC laban kay Raymart dahil hindi na ito nagsusustento sa kanilang mga anak.


Paglilinaw niya, ginagawa niya ito para sa kanyang mga anak na ngayon ay nag-aaral sa mga international schools at qualified sa ibang bansa.


Marami naman sa madla ang humanga kay Claudine at sumuporta sa ibinahagi nitong kuwento.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page