‘Di raw nag-iinarte… BINI GWEN, NASANAY NA WALANG ASUKAL ANG TURON
- BULGAR
- 3 days ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 1, 2025

Photo: BINI Gwen - IG
Inamin ni BINI Gwen Apuli na naapektuhan din siya ng mga pamba-bash at panghuhusga sa kanya ng mga netizens sa People Vs. Food (PVF) vlog na napanood sa YouTube (YT) noong nakaraang buwan.
Nag-guest sa naturang vlog ang BINI at dito ay pinatikim at pinag-rate ang mga miyembro ng mga Pinoy snacks kabilang na ang street food.
Maraming netizens ang naartehan sa ilang miyembro at nilait-lait pa sila.
Kabilang nga sa mga na-bash si BINI Gwen dahil sa sinabi niyang hindi siya sanay kumain ng turon na may asukal.
Sa latest interview ni Gwen sa vlog ni Ogie Diaz, nilinaw niya na talagang walang asukal ang turon na nakagisnan niya.
“Oo, sanay talaga po ako sa turon na walang sugar. Kasi as in, alam ‘to lalo na kung taga-Bicol po. Mostly, hindi ko po nilalahat, s’yempre iba-iba pa rin, mostly talaga sa Bicol, lumaki akong walang sugar ‘yung turon,” sey ni Gwen.
Hindi akalain ni Gwen na lalaki ang diskusyon dito at kung anu-ano na ang sinabi ng mga bashers tungkol sa kanya.
“Well, ako po, naturally, tina-try ko po talaga ‘yung best ko na ‘wag magbasa. Kasi hindi ko in-expect na ganu’n pala s’ya lumala,” aniya.
“Nakaka-affect po talaga s’ya,” pag-amin niya.
“Lahat nahahalungkat, na-judge ka na ng lahat ng tao, ‘Maarte ka sa pagkain, mahirap ka lang naman noon, tapos ngayon, nag-iinarte ka na.’ Ganu’n na ‘yung sinasabi. Masakit po s’ya,” dagdag ni BINI Gwen.
Pero ang talaga raw ikinasakit ng loob niya ay nang makita niyang naapektuhan na ang kanyang pamilya kabilang na ang kanyang ina. Sinabihan na lang niya ito na huwag magbasa.
“Kahit ‘yung mama ko po, ‘di po s’ya nag-aano talaga, nagpapatol o sumasagot, pero noong time na ‘yun, na-feel ko na ru’n s’ya pinaka-affected out of all na mga bashing sa BINI po, especially sa ‘kin,” saad ni Gwen.
SASABAK sa masayang hulaan sa Family Feud (FF) ang newlyweds na sina EA Guzman at Shaira Diaz. Pangungunahan nila ang Team Pag-ibig na Totoo, kasama ang Unang Hirit (UH) hosts na sina Kaloy Tingcungco at Jenzel Angeles.
Makakaharap naman nila ang Team Serbisyong Totoo nina Susan Enriquez, Athena Imperial, Dano Tingcungco at Jonathan Andal. Sino sa kanila ang mag-uuwi ng P200,000 thousand?
Abangan ang kanilang episode next week, pati na rin ang iba pang star-studded guests sa FF tuwing 5:40 PM mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA-7.
HINDI pa rin tinitigilan ng intriga ang mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna. Kahit ilang beses na nilang sinagot ang isyu tungkol sa fake news na hiwalay na sila, paulit-ulit pa rin itong bumabalik at pinalalaki.
Ang latest na ikinaloka ni Derek ay ang bagong fake news na pati ang anak nila ni Ellen na si Lily ay idinamay pa.
Sa kanyang Instagram (IG) Stories, ipinost ng aktor ang screenshot ng isang Facebook (FB) post ng showbizlife na ganito ang nakasaad:
“Hala! Negative ang DNA Test! DEREK Ramsay, INILABAS ang DNA TEST result ng anak kay Ellen Adarna.”
Sa kanyang sagot, sinabi ni Derek na anak niya si Lily kaya tigilan na ang pagkakalat ng kasinungalingan tungkol sa kanyang pamilya. Ipinagtanggol din niya ang kanyang misis at sinabing loyal ito sa kanya.
“Showbizlife stop spreading lies about my family! Lily is my daughter and Ellen is a loyal wife!!” saad ni Derek na halatang bad trip.
“I don’t know how you can sleep at night spreading lies like this!” aniya pa.
Comments