‘Di raw kinidnap… SIGAW NG FANS: MGA ANAK NI CLAUDINE, NAKI-PARTY KASAMA ANG PA
- BULGAR

- 8 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | January 26, 2026

Photo: FB Niel Ford
Kinontra ni Claudine Barretto ang sinabi ng isa niyang fan na iniuwi lang siguro ng PA (personal assistant) niya ang mga anak sa bahay nila at ibabalik din sa kanya.
Baka may problema o emergency ang PA at binitbit muna ang mga anak ni Claudine. Safe naman siguro sina Sabina, Noah at Quia.
Sagot ni Claudine, “‘DI GANU’N ‘YUN,” at hindi na nag-elaborate.
Ang mga fans na niya ang sumagot sa nag-comment na ibabalik din sa kanya ang mga anak. Pero habang nagde-deadline kami, hindi pa rin ibinabalik ng PA ang mga anak ng aktres.
May nabasa kaming post na nakilala ng mga fans ni Claudine na relative raw ng kanyang PA. Iba ang version nito sa nangyari kumpara sa version ni Claudine.
Ang sabi nito, um-attend lang ng birthday party sa Carmona ang mga bata at obvious na kasama si Sol.
Nag-swimming at naglaro pa raw ng volleyball sina Sabina at Quia at pagkatapos kumain, umuwi na.
Wala raw kidnapping na nangyari dahil naki-party lang ang mga bata.
Ang tanong ng mga fans ni Claudine Barretto, bakit hanggang ngayon ay wala pa sa bahay ng aktres ang mga anak niya kung totoong umuwi o iniuwi na sila ng PA? Hindi na nito sinagot ang mga tanong ng mga netizens.
AYAW tanggapin ng mag-asawang Gary Estrada at Bernadette Allyson na stage parents sila sa mga anak na sina Icee at Gabbi Ejercito na nasa showbiz na.
Sinamahan ni Bernadette si Gabbi sa mediacon ng Hell University (HU) kung saan isa siya sa cast. Sinundo sila ni Gary at doon namin sila nakausap.
Ayon kay Bernadette, noon lang niya sinamahan si Gabbi at sa cast reveal ay wala siya. Hindi rin siya sumasama sa taping nito. May pinasasama sila kay Gabbi para maiwasang matawag siyang stage mom.
Ganu’n din ang sinabi ni Gary. Tapos na ang mediacon nang dumating siya at konti na lang ang press. Hindi rin siya sumama sa taping ni Gabbi at sa taping ni Icee na kasama naman sa cast ng My Husband Is a Mafia Boss (MHIAMB) ng Viva One.
Kuwento ni Gary, ayaw mag-showbiz nina Gabbi at Icee. Si Boss Vic del Rosario ang kumausap at kumumbinse sa dalawa na subukan ang showbiz at saka lang sila pumayag. Mukha namang enjoy si Gabbi at gusto na rin niyang i-try ang pelikula.
Hindi lang mapapanood na kasama si Gary o si Bernadette sa project ng mga anak. Ayaw nilang makasama sa pelikula o telebisyon sina Gabbi at Icee at ayaw din ng dalawa dahil mako-conscious sila.
Si Gary naman, iniiwasan ding masabihan na kaya nagkaroon ng project ay dahil sa mga anak.
Ibinuking na rin ni Gary na may mga suitors na ang mga anak at parehong basketball players.
Natawa kami sa tsika nito na kapag dumadalaw sa bahay ang mga suitors ng mga anak, hindi siya humaharap. Hindi pa yata ito sanay na may nanliligaw sa mga anak at magkaka-boyfriend na.
Anyway, ginagampanan ni Gabbi sa Hell University ang karakter ni Mia, isa sa mga kaibigan ni Zein (Heart Ryan).
BUKOD kay Aga Muhlach, present din ang original cast ng Bagets na sina Yayo Aguila at Chanda Romero sa opening ng Bagets: The Musical (BTM) noong January 23, 2026 sa Newport Performing Arts Theater.
From Nathalie Tomada of Philippine Star, parang nanghinayang si Yayo na hindi kumpleto ang original cast ng movie. Si Raymond Lauchengco ay may sakit, si JC Bonnin ay hindi nakauwi from the States, at hindi puwede si Herbert Bautista.
Wala rin sa opening sina Jobelle Salvador at Eula Valdez.
Hindi nabanggit ni Yayo kung bakit wala ang ex-husband niyang si William Martinez na isa sa limang bida at original cast ng movie.
Nai-share ni Nathalie na na-message niya ito sa Facebook (FB) at gusto sana niyang ma-interview. Tumangging magpa-interview si William dahil ang katwiran, “I’m already retired from showbiz and I’m living a simple life now.”
Hindi na siya pinilit ni Nathalie, pero kung nanood si William sa opening ng BTM at kung may plano siyang manood, matutuwa siya.
Matutuwa siya sa young actors na gumanap sa role niyang si Tonton. Sa opening night, si Milo Cruz ang gumanap na Tonton. Mahusay na aktor at magaling kumanta at sumayaw si Milo at may mga nagsabi pa ngang kamukha nito si William.
Hanggang March 2026 pa ang schedule ng Bagets: The Musical sa Newport Performing Arts Theater. Marami pang time para makapanood sina William, Raymond at Herbert.








Comments