top of page

BIANCA: MAS MAHAL MAGBAKASYON SA ‘PINAS KESA ABROAD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 26
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | January 26, 2026



Bianca Gonzalez-Intal

Photo: Bianca Gonzalez-Intal



Kahit kami ay sumasang-ayon sa obserbasyon ni Bianca Gonzales hinggil sa mas mahal na local tourism kesa mag-abroad.


Sa sarili rin naming experience, talagang nakakaloka na kahit dito pa nga lang sa mga ipinagmamalaking tourist spots sa Luzon (Baguio, Sagada, Zambales, Laguna, Tagaytay, Bicol, et. al.) ay mas lumalabas na mas magastos at mahal silang puntahan.


Nitong nagdaang two weeks lang after ng New Year ay halos malapit na sa isandaang libo ang nagastos namin sa three to four days na biyahe namin sa Bicol (to witness ‘yung dangerously beautiful Mayon Volcano eruption) at sa Baguio, with side trip sa La Union. 


Sa gas pa lang ng aming sasakyan, toll fees, etc., hindi ka mapa-proud bilang local tourist. Hahaha!


Sabi nga ng aming mga kaibigan na kamakailan lang ay nag-enjoy sa Vietnam at Thailand, “May sukli ka pa at keri mo pang mag-Hong Kong o Taiwan sa ganu’ng nagastos mo.”

Hay, reality bites!



“I think she won’t mind at all. Besides, alam na n’yang in any project she does in this biz (showbiz), dapat may laging intriga at iskandalong magamit sa promo,” pag-aanalisa ng mga tagahanga ni Lea Salonga.


Sa paglulunsad kasi ng tila bonggang musical project na pagbibidahan ng internationally-acclaimed artist kasama ng iba pang mga theater veterans gaya ni Rachelle Ann Go, nasentro ang promo sa ilang personal na usapin kay Lea.


Matagal na pala itong hiwalay sa mister at mas naging very open na ito sa pag-accept sa only daughter nila na isang transman at gaya niyang sa mundo ng teatro rin nahihilig.

Obserbasyon pa ng ilan, kahit masakit ang mga ganitong bagay ay tila tinatanggap na lang ni Lea bilang bahagi ng isang pangit na sistema sa pag-promote ng isang project.


“Ang importante, mapatunayan nilang may matino at bongga silang project. Might as well earn from it dahil ang mga Pinoy talaga ay parang mamamatay ‘pag ‘di haluan ng iskandalo at intriga ang promo ng isang show o project,” hirit pa ng mga mahilig sa kakaibang Maritesan.


Dagdag pa nila, “At least, nakita nila kung gaano ka-loving at supportive na mother si Lea sa anak nilang transman. Kesa pagpiyestahan pa, sa kanila na nanggaling ang kumpirmasyon at tamang kuwento. Kung mayroon pang gagawa ng tsismis about it, ‘di na nila concern ‘yun.”



“LOOK at Anne Curtis, napakasimple at straight n’yang sinopla ang nagbibida-bida tungkol sa latest movie project niya with Jericho (Rosales). Eh, ‘di ‘wag ninyong panoorin kung ayaw ninyo,” pag-quote pa ng mga supporters ni Anne.


Minsan daw talaga, dapat na sinosopla at sinasagot ng isang artista ang mga opinyon at tanong ng ‘bashers’, ayon sa kung paano nila ito sinabi o ginawa. 


Although may mga naniniwala pa ring nakakaapekto ito sa isang celebrity o project nila, kung may idea ka naman daw sa kung ano ang personalidad ng celebrity, alam mong ma-identify ang promo lang sa totoo.


Although, marami rin ang naniwala na nasa ‘mourning stage’ pa ang aktres-host dahil sa pagkawala ng kanyang ama recently kaya’t medyo may emotional stability issue pa raw ito sa ngayon. 


Kahit nga raw sa It’s Showtime (IS) ay tila madalas din itong ‘nagmamaasim’ sa mga spiels nito.


“Si Anne ang nakikita namin na very considerate at smart mag-express ng sarili. Pero nauunawaan namin s’ya. Wala namang masama sa sinabi n’ya o ginawa n’ya,” komento ng mga followers ni Anne Curtis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page