top of page

Kredibilidad, kinuwestiyon… IVANA, MAY SARILING SKIN CARE PRODUCTS PERO IBA ANG INE-ENDORSE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | January 26, 2026



Ivana Alawi - IG

Photo: Ivana Alawi - IG



Sinita si Ivana Alawi ng isang netizen bilang endorser ng skin care product. Nagdadabog ang netizen dahil sa kredibilidad ni Ivana bilang endorser.


Ayon sa netizen, may sarili raw skin care products na ibinebenta ang aktres-vlogger, kaya bakit ibang produkto raw ang inaalok ni Ivana?


Sey ng netizen, “Curious tuloy kami, ano’ng nangyari sa business mo, Ivana? Owner ka ng skin product pero ito ang endorsement mo, ibang skin product.”


May nagtanggol naman kay Ivana laban sa nasabing netizen ukol sa sarili niyang beauty products.


Sagot nito, “Nagkaroon ng issue sa factory, or manufacturer or something. Na-Tulfo pa yata ‘yung issue n’ya sa skin care n’ya.”


Samantala, nag-post ng reaksiyon ang isang fan ni Kim Chiu kaugnay ng skin product na ine-endorse ni Ivana.


Sey nito, “Tinanggal na sina Kim at Paulo.”


Ang tinutukoy na Paulo ay ang aktor na si Paulo Avelino.

Komento ng mga fans:


“‘Di tinanggal. ‘Di sila nag-renew para wala nang issue kay Glenda at kay Pau na crush n’ya.”

“Mukha mo! Ano’ng ‘di tinanggal? Mukhang mga pera idol ninyo. Ang sabihin ninyo, hindi ni-renew.”


“Mukhang pera, ‘di ba? Bayarang basher ka n’ya? Kahit ‘di nag-renew ang KimPau, milyonaryo na ang mga ‘yan at ‘di rin naman brilliant ang ine-endorse nila na mas higit pa ang Hyundai.”




Pinusuan ng BF, not just once but twice… 

ANDREA, NAGPA-BLONDE, NAGMUKHANG BARBIE



IBINIDA ni Andrea Brillantes ang bagong kulay ng buhok niya sa Instagram (IG) kahapon. 


For the longest time ay kulay itim ang buhok ni Andrea.

Caption ng aktres, “Someone blonde.”


Marami ang nag-react sa bagong kulay ng buhok ni Andrea, kabilang na ang kanyang ina na si Belle Brillantes at rumored boyfriend na cager na si Francisco Juan ‘Pankie’ Capistrano, na nag-post ng dalawang yellow hearts.


Sey ng ina ni Andrea, “Barbie ‘yan?”


Nag-react naman ang mga followers ni Andrea sa comment ni Belle.


“Tita Belle, paano po s’ya ginawa?”


“So pretty po ni Blythe.”


“Ipinagdasal mo po nang malala?”


In fairness, nagmukhang Barbie doll talaga ang aktres sa kanyang new look.

Malamang ay may kinalaman sa role ni Andrea Brillantes sa movie nila ni Enrique Gil na A Secret in Prague ang bagong kulay ng buhok niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page