'Di raw kailangan ng rich papa, guys… IVANA, NIREGALUHAN ANG SARILI NG MILYONES NA DIAMOND RING
- BULGAR

- Jan 11, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 11, 2021

Hindi na masyadong nagpabongga sa kanyang kaarawan noong Dec. 25 ang bagong Pantasya ng Bayan na si Ivana Alawi.
Sila-sila lang ng kanyang ina at dalawang kapatid ang nag-celebrate sa bahay. Pawang paborito niyang pagkain ang inihanda.
Marami namang bumati at nagpadala ng birthday gifts kay Ivana. Bongga ang gift sa kanya ni Dra. Vicki Belo na isang malaking Louis Vuitton bag.
May regalo rin ang kanyang ina, pati na ang kapatid na si Mona Louise Rey.
Pero, ang pinakapasabog na birthday gift ay ang diamond-studded ring na regalo ni Ivana sa sarili. Sa laki ng bato, milyones tiyak ang halaga ng diamond ring ni Ivana Alawi.
Ayon sa sexy star-vlogger, matagal na raw niyang pangarap ang magkaroon ng diamond ring. Kaya matagal niya itong pinag-ipunan at natupad din ang kanyang birthday wish.
Agaw-pansin ang diamond ring ni Ivana na bumagay sa kanyang personalidad. At sabi nga ni Ivana, hindi niya kailangan ng sponsor para lang magkaroon ng mamahaling diamond ring. Kaya naman niyang bilhin ito mula sa milyones na kinikita niya sa kanyang vlogs.
More than 10 million na ang subscribers ni Ivana sa kanyang YouTube Channel. Malaki-laki na rin ang kinikita niya rito. Kaya, kahit waiting pa sa project na kanyang gagawin, may pinagkakakitaan pa rin ang Bagong Pantasya ng Bayan.
Besides, may minana siyang yaman mula sa kanyang yumaong ama na isang kilalang mayaman.





Comments