top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

‘Di raw kailangan ng maraming kaibigan… MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 17, 2026



TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _marieltpadilla

Photo: IG _marieltpadilla



Hindi raw kailangan ni Mariel Rodriguez Padilla ng maraming kaibigan, basta’t mayroon siyang mga tunay at maaasahang kaibigan na nananatili sa kanyang tabi sa iba’t ibang yugto ng kanyang buhay.


Nagbahagi si Mariel ng ilang larawan sa kanyang social media account bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong August 10. Ipinagdiwang niya ang espesyal na araw sa pamamagitan ng isang simple at pribadong dinner kasama ang kanyang malalapit na kaibigang artista, kabilang sina Ruffa Gutierrez, Toni Gonzaga, Marjorie Barretto, at Camille Villar.


Sa kanyang post, ibinahagi ni Mariel ang isang makabuluhang repleksiyon tungkol sa pagkakaibigan.


Ani Mariel, “At 42, I’ve realized that I don’t need a lot of friends. I just need the true ones.


“The ones who have seen you through different seasons of your life. The ones you can laugh with until your stomach hurts, cry with, be completely yourself with, and somehow pick up exactly where you left off no matter how much time has passed.


“Life has a funny way of showing you who your people really are... and at this age, I value that more than ever.


“My circle may be smaller, but my heart has never felt fuller.

“These are my people. My constants. My truest friends. And I wouldn’t trade them for anything.”


Samantala, sa comment section ng post ni Mariel, nagpaabot din ng pagbati ang kanyang mga kaibigan na sina Ruffa Gutierrez at Marjorie Barretto.


Ani Ruffa, “Love your caption and love you, Ma mhie. I’ll always be your constant through thick and thin. Just holler & I’ll be there!! @marieltpadilla. Happy birthday!”

Saad naman ni Marjorie, “Proud to be your friend! We should always celebrate you, Mommy Mariel! Last night was a lovely group, good food, lots of fun, and everybody loves you.”


Anyway, happy birthday, Mrs. Mariel Rodriguez-Padilla!





Mukha pa naman ang puhunan…

ANGELU, NAGKA-BELL'S PALSY, NA-DEPRESSED



Nagbahagi ang aktres na si Angelu de Leon sa social media tungkol sa kanyang personal na laban matapos siyang magkaroon ng Bell’s palsy, na naging dahilan din upang makaranas siya ng depression.


Ayon sa aktres, hindi naging madali para sa kanya ang biglaang pagbabago sa kanyang mukha, lalo na bilang isang artista na malaking bahagi ng trabaho ay nakasalalay sa kanyang hitsura.


“Sa totoo lang, nagkaroon din ako ng depression dahil sa Bell’s palsy. Bilang artista, mukha ang puhunan mo. Kaya ‘di madaling tanggapin ‘pag biglang nagbago ang mukha mo,” saad ng aktres.


Sa kabila ng pinagdaanan niya, nanatiling positibo at mapagpasalamat si Angelu. Aniya, patuloy pa rin siyang pinagpala sa kabila ng kanyang pagsubok.


Dagdag pa niya, “Pero sa kabila ng lahat, pinagpala pa rin ako ng Diyos—nagkaroon pa ako ng billboard sa EDSA at naging bahagi ng Pulang Araw.


“Natutunan ko na ‘di ru’n nasusukat ang halaga ko. Maaaring ang mukha ang puhunan sa showbiz, pero ang buhay, pagkatao, at halaga natin ay higit pa sa ating panlabas na anyo.

“Health is wealth. ‘Wag nating balewalain ang ating kalusugan. ‘Wag nating hintaying may mangyari bago natin alagaan ang ating sarili.


“My grace is sufficient for you, for My power is made perfect in weakness. — 2 Corinthians 12:9.”


Ipinakita ni Angelu na kahit ang mga taong tila matatag ay may kani-kanyang pinagdaraanan. Kaya naman, pahalagahan natin ang ating kalusugan dahil tunay na ‘health is wealth’. Huwag nating hintaying magkasakit bago natin ito bigyang-pansin. 





KAKAIBANG love story na may halong tema ng esports ang mapapanood ng Pinoy sa Chinese romantic drama na Falling Into Your Smile (FIYS), tampok ang mga hinahangaang Chinese stars na sina Xu Kai at Cheng Xiao, ngayong Lunes (Aug. 17), 10:15 PM sa ALLTV2, Kapamilya Channel, A2Z, at iWant.


Lubos na pinag-usapan at naging global sensation ang serye dahil sa magkahalong timpla nito ng romansa, komedya, pagkakaibigan, at competitive esports.


Muling masisilayan ng Pinoy viewers si Xu Kai, na unang napanood sa Story of Yanxi Palace (SOYP), na unang umere sa ABS-CBN noong 2020.  Kilalanin ang kanyang karakter na si Lu Sicheng, ang mahusay ngunit tila supladong captain ng ZGDX.


Makakatambal niya rito si Cheng Xiao, na gaganap naman bilang si Tong Yao, isang mahusay na gamer na magiging bahagi ng kanyang team.


Sa kuwento, haharapin ni Tong Yao ang matinding hamon ng pagiging bahagi ng isang all-male team habang pinatutunayan ang kanyang kakayahan sa competitive esports.


Mas magiging makulay ang kanyang journey nang mapalapit siya sa kanyang team captain na si Lu Sicheng.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page