‘Di raw insecure… BELA, TANGGAP NA BANLAG SIYA

ni Beth Gelena @Bulgary | June 19, 2025
Photo: Bela Padilla - IG
May natanggap na meanest comment si Bela Padilla sa comment section ng kanyang Instagram (IG).
Sa “Kapamilya Chat’s Drink It Challenge”, sumalang ang aktres. Na-discuss ni Bela ang isang komento ng netizen kung saan ang tinutukoy ay ang problema sa kanyang paningin.
Unbothered naman ang aktres sa meanest comment ng netizen, dahil para sa kanya, ‘yun ang kanyang trademark at superpower niya to be a good actress.
Aniya, “Laging ikino-comment sa akin na banlag ako. And I am,” pag-amin niya.
Pero wala raw siyang insecurity sa bagay na ‘yun at tanggap na niya.
Pagbubulgar pa niya, may social media stalking habits siya, at kasama sa mga ini-stalk niya ang feeds ni JC Santos (in preparation for their movie 100 Awit Para Kay Stella) at maging ang sa close friends na sina Kim Chiu at Angelica Panganiban, para magkaalaman sila sa kanilang updated issues kahit na busy ang kanilang schedules.
Mahilig daw makisakay sa issue para sumikat…
KLARISSE, NAG-TWEET NG “PIOLO BADING”, TSUGI SA PBB
Sa paglabas ni Klarisse de Guzman sa Pinoy Big Brother (PBB) House, may naglabas naman ng lumang istorya na noon pang 2011 nasulat.
Diumano, ito ang dahilan kaya na-evict na si Klarisse sa PBB House. May tweet umano ang singer nu’ng Nov. 27, 2011 na kumalat sa social media platforms, ang “Piolo Bading.”
Wala namang binanggit kung sino’ng “Piolo” ang tinutukoy.
Eh, hindi lang naman pala first time na ginawa ni Klarisse na ginamit ang name ni Piolo sa kanyang socmed.
Last May 8, 2023, ay may nasabi siyang “Gusto ko ‘yung pink lipstick ni Piolo Pascual,” kung saan may kasama nang apelyido ang pangalan.
Dahil dito, ang daming negative reactions na natanggap ng singer.
Ayon sa mga netizens na gustong manatili si Klarisse sa PBB, nangyari naman daw ‘yun long ago at hindi tamang husgahan ang singer dahil sa kanyang past tweets.
Sa ngayon ay wala pang reaksiyon ang singer sa kanyang past tweets kung saan na-mention niya ang name ni Piolo.
Minsan kasi, sa kagustuhang sumikat agad ang isang artist ay nakiki-ride on sa pangalan ng mga sikat na artista.
That year ay wannabe pa si Klarisse, na sabi nga ng kaibigan namin noon nang mag-first runner-up siya sa TVP (The Voice PH), “Kaya naman nanalo ‘yan kasi ginamit n’ya ang name ni Sarah Geronimo na mag-best friend daw sila at laging nagkakalaban sa singing competition, pero hindi siya nananalo.
“Ang gusto raw niyang manalo sa TVP ay si Morissette Amon.
“Eh, ang isa sa mga hurado noon ng TVP ay ang Popstar Royalty... kaya ‘yun na.
“Tapos, si Piolo naman ang ginagamit n’ya para mapag-usapan s’ya, may napatunayan ba naman s’ya?”
Wala kaming nasabi kundi… “Well... well... that’s showbiz!”
UMAMIN si Kylie Padilla na lubos siyang nasasaktan at naaapektuhan tuwing may naririnig o nababasang mga negatibong komento laban sa amang si Sen. Robin Padilla.
Aniya sa isang panayam, “Yes, I get offended. Siyempre, tatay ko ‘yun. Before he became a politician, he was my dad first! S’yempre, I do feel for my dad!”
Ibinahagi ni Kylie na kahit abala siya sa kanyang personal na buhay at showbiz career, lagi niyang kinukumusta ang ama tuwing sila ay nagkikita upang masiguro kung ito ba ay nasa maayos na kalagayan o may kailangan.
“Ang tatay ko kasi, magaling mag-focus sa isang bagay, eh. Pero kaming family niya, naaapektuhan talaga kami,” ani Kylie.
Bagama’t hindi siya palaging sang-ayon sa lahat ng pananaw at paniniwalang pampulitika ng ama, nananatili pa rin ang kanyang respeto at pag-unawa dahil kilala niya ang pinanggagalingan nito at alam niyang may sariling prinsipyo si Senador Robin.
“And I’m sure naman, he knows himself. Kung ano ang ipinaglalaban n’ya!” dagdag pa ng Kapuso actress.






Comments