‘Di raw dinidiktahan ng madir na si Aiko… MARTHENA, MAY FREEDOM NA MAGDESISYON PARA SA SARILI
- BULGAR

- May 7
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 7, 2026

Photo: File / IG _marthena.jickain
Nang ipakilala sa media ang 16 Block 1 artists ng Star Worx ng TV5, marami ang nakapansin na stand-out at lutang na lutang si Marthena Jickain, ang bunsong anak ni QC Councilor Aiko Melendez.
Artistahin ang features niya, smart, mabait at simple lang.
Hindi niya ginamit ang impluwensiya ng kanyang celebrity parents upang makapasok sa Block 1 ng Star Worx artists. Buo ang kanyang self-confidence at sanay nang humarap sa tao.
Kung sa drama nakilala si Aiko Melendez, gusto naman ni Marthena na magsimula sa rom-com (romantic-comedy), at given the chance, gusto rin niyang gumawa ng action series.
Ngayon pa lang ay tinutukso na si Aiko Melendez ng kanyang media friends na baka maging stage mom kay Marthena. Pero sey nito, protective mom lang siya at hindi stage mom. Malaki ang tiwala niya sa kanyang anak na si Marthena Jickain. Kaya na nitong pangalagaan ang kanyang sarili at maaari nang magdesisyon on her own.
Kapag walang ginagawang serye at pelikula, negosyo ang pinagkakaabalahan ng Primetime Queen na si Marian Rivera.
Noong 2017 ay binuksan niya ang Flora Vida na nagbebenta ng preserved flowers, home decors at fashion line.
Recently ay nagbukas naman siya ng negosyo niyang Wonder Society, isang exclusive family clubhouse na matatagpuan sa rooftop ng Greenhills Mall.
At ngayon ay may skin care business na rin siya, ang VIDA Essentials, na tiyak na magugustuhan ng mga kababaihan.
Si Marian mismo ang endorser ng kanyang mga beauty products.
All-out naman ang suporta ni Dingdong Dantes sa mga negosyo ng kanyang wifey.
Ever since ay mahilig sa negosyo ang aktres at mahusay siyang mag-manage ng kanyang income. Hindi sa luho at luxury items napupunta ang kanyang kinikita. Mahilig siyang mag-invest sa negosyo at sa real estate.
Madalas ay humihingi siya ng business advice kay Dingdong Dantes kapag may gusto siyang pasuking negosyo. Kaya super-proud ang mister sa kanyang wifey na si Marian Rivera.
Sa wakas, nakapag-usap na raw uli… MIKEE AT PAUL, MAY CLOSURE NA AFTER NG BREAKUP
Nang muling mag-guest ang Kapuso actress na si Mikee Quintos sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), inamin niyang nagkaroon na sila ng closure ng ex-boyfriend niyang si Paul Salas. Nagkaroon umano sila ng heart-to-heart talk nang magkita sa bachelor’s party ni Mikoy Morales, na pareho nilang kaibigan. Doon nila nailabas ang kanilang mga dapat sabihin sa isa’t isa.
Hindi naging bitter sina Mikee at Paul sa kanilang paghihiwalay. Maluwag sa dibdib na tinanggap ni Mikee ang nangyari sa kanilang relasyon. Wala ring third party na naging dahilan ng kanilang breakup.
Tuluyan nang naka-move on ang aktres dahil nagkaroon na sila ng closure. Nakatulong din nang malaki sa kanya ang pagbabakasyon sa Hawaii kasama ang kaibigang si Heaven Peralejo, na tulad niya ay brokenhearted din matapos ang hiwalayan nila ng boyfriend na si Marco Gallo. Nagkaroon sila ng panahon na makapagbakasyon at makapag-bonding.
Ngayon, magiging busy na ulit si Mikee sa kanyang career. Game rin siyang gumawa ng GL (girls’ love) movie kung si Heaven Peralejo ang kanyang makakapareha.
Tila tanggap na ngayon ng mga moviegoers ang tema ng GL movies, tulad ng ginawa nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro sa I Fell, It’s Fine (IFIF).
Bonggang-bongga ang launching ng Block 1 artists ng Star Worx, ang management arm ng TV5. Pawang star material ang labing-anim na artists na matatangkad, mga guwapo at magaganda.
Matatalino rin silang sumagot at ilan sa kanila ay magaling kumanta at sumayaw. Six months silang nag-undergo ng training sa pamamahala ng starbuilder na si Johnny ‘Mr. M’ Manahan.
Maraming sumikat na artista sa ABS-CBN na produkto ng Star Magic at nagdaan sa mentorship ni Mr. M, katulad nina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Piolo Pascual at Jericho Rosales.
Sa pagpasok ni Johnny Manahan sa Kapatid Network, muling masusubok ang kanyang Midas’ touch.
Maganda ang plano ng Star Worx sa mga napiling Block 1 artists. Mapapanood sila sa mga serye ng TV5 at sa mga regional mall shows.
Marami sa kanila ang itinuturing na idolo sina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, Jericho Rosales, Liza Soberano, Joshua Garcia at Andrea Brillantes.
Nabanggit din ang pangalan nina Pokwang at Empoy Marquez bilang idolo ni Patrick Ballesteros.





Comments