top of page

‘Di pumapasok pero tuloy ang suweldo… SEN. ROBIN, UMAMING PINAGTAGO SI SEN. BATO PARA ‘DI MAKULONG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 days ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | April 17, 2026



Sens. Ronald Bato Dela Rosa at Robin Padilla - FB

Photo: Sens. Ronald Bato Dela Rosa at Robin Padilla - FB



Binatikos ng mga netizens si Sen. Robin Padilla dahil sa kamakailang pahayag nito na kabilang siya sa mga taong nagsabi kay Sen. Bato dela Rosa na magtago.

Aniya, “Si Senador Bato ay pinagtatago pa namin.”


Si Dela Rosa ay matagal nang hindi uma-attend ng kanilang session sa Senado. Ang pagliban nito ay bunsod ng warrant of arrest na inilabas laban sa kanya kaugnay ng umano’y pagkakasangkot niya sa extrajudicial killings (EJK) noong panahon na may giyera kontra droga (war in drugs) na ipinatupad ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD).


Ang senador ang may pinakamaraming araw na lumiban sa mga sesyon ng Senado.


Ang lalong ikinagagalit ng kanyang mga kritiko ay ang patuloy niyang pagtanggap ng suweldo kahit na hindi niya nagagampanan ang kanyang mga tungkulin bilang senador.


Noong nakaraang Linggo, kasabay ng anunsiyo na si Mayor Baste Duterte ng Davao City ang bagong pangulo ng PDP-Laban, nabuo ang Reform Alliance for Good Governance and Accountability (RAGE) Coalition.


Sa panayam ng Kasangga Mo Ang Langit na pinangungunahan ng beteranong broadcaster na si Rey Langit noong Abril 15, tinanong si Sen. Robin Padilla tungkol sa RAGE Coalition.


Sinabi ng senador na ito ay pinasimulan ni Cong. Bebot Alvarez, kabilang ang grupo ni Atty. Vic Rodriguez, na dating Executive Secretary ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM).


Ipinaliwanag din ni Padilla na ang koalisyon ay isang kilusang pampulitika na naglalayong tugunan ang korupsiyon.


Pagkatapos, ipinahayag ng aktor na naging pulitiko na siya at si Sen. Bong Go ay lubos na sumusuporta kay Mayor Baste Duterte. 


Dagdag pa ni Padilla na dapat silang tatlo, kasama na si Sen. Bato dela Rosa, ngunit sinabihan nila itong magtago muna.


“Kami ni Sen. Bong Go ay nakasuporta kay Mayor Baste. Nagkataon lamang na si Senador Bato ay pinagtatago pa namin. Kami ang nagsabi na iwas muna s’yang lumabas, kaya wala s’ya ru’n,” pag-amin ni Sen. Robin.


Dahil sa pag-amin ni Sen. Robin, inulan siya ng batikos at kritisismo. 





Tanggap din daw ng pamilya niya…

JANINE, UMAMING NA KAY ECHO NA ANG LAHAT NG HININGI KAY LORD



NAGBIGAY ng update si Janine Gutierrez sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ni Jericho Rosales.


Inilarawan ni Janine sa Oh My Gan! (OMG!) ang relasyon niya kay Echo bilang simple,

mapayapa at matibay ang kanilang pagsasama.


Si Jericho raw ang pinagkukunan niya ng lakas sa kanyang karera at personal na buhay. Naaayon daw sa aktor ang mga katangian ng lalaking mamahalin na minsan niyang ipinagdasal sa Panginoon.


Aniya, “‘Pag kaming dalawa lang, masaya, komportable.”


Inilarawan niya ang ginhawa na nararamdaman kapag sila ay magkasama. Naalala niya kung paano nila ginugugol ang kanilang rest day tuwing may lock-in tapings sa Iloilo.

“Magda-drive lang kami. Ang ginawa namin, nag-drive kami, dumaan sa simbahan, dumaan sa museum, kumain. Very simple lang. Parang just happy to spend time together.

Kuwentuhan,” wika niya.


“Happy s’ya. Sobrang cheering for me,” dagdag pa niya.


“Masaya akong makasama ang isang taong lubos na sumusuporta sa akin. Nararamdaman ko ‘yung suporta n’ya so it makes me feel happy at parang mas nabibigyan din ako ng lakas to work hard.”

Nakuha rin ni Echo ang loob ng pamilya ni Janine.


Aniya, “Everybody loves him. Sobrang dali n’yang naging part ng family.”

Ibinahagi pa niya na si Jericho ay nanatili sa tabi niya sa isa sa pinakamahirap na panahon ng kanyang buhay.

“Nandu’n s’ya palagi,” kuwento ni Janine.


“Lahat ng mga hinihingi ko kay Lord, nakikita ko sa ‘yo,” aniya kay Echo.

End game na nga ba ang relasyon nila? Abangan!





Ex mo, Derek, walang takot…

ELLEN, NAG-ARAL MAGMOTOR  



ANG daming puwedeng pag-aralan ni Ellen Adarna pero mas pinili niyang pag-aralan ang pagmamaneho ng motorsiklo.


Makikita ang resibo sa Instagram (IG) ni Ellen kung saan aktuwal siyang nagmamaneho ng motorcycle.


Biro tuloy ng isang commenter, “Siguro, may balak si Ellen na maging isang Joy rider (ride hailing app). Hahaha!”


Kuwento pa ng isa, “Hahaha! Pasens’ya na pero nakuha ng mayaman kong kapitbahay ang lisensiya n’ya nang walang anumang pagsusuri at may taga-LTO (Land Transportation Office) na naghatid ng lisensiya sa bahay nila.”


Hindi naman pabor ang commenter sa pag-aaral ng motorcycle ng celebrity mom.

Sey ng mga netizens…


“‘Wag girl, nakakatakot. Bata pa anak mo.”

“Bitter pa more na naman.” 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page