‘Di pa totoong break sa BF na tattoo artist… KYLIE, NAG-POST NG KA-HOLDING NA MAY TATTOO
- BULGAR

- Jul 11, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 11, 2025
Image: Kylie Padilla - IG
Hindi naman pala totoo na idinelete ni Kylie Padilla ang post niya ng black and white photo ng hands na magka-holding hands at may caption na: “Lipad na ulit.” Nasa Instagram (IG) pa rin nito ang post na ang dating sa mga nakabasa ay patungkol sa kanyang love life ang photo at caption.
Suportado ng kanyang mga fans ang love life ng isa sa bida ng My Father’s Wife (MFW). She deserves to be happy daw with someone who loves her truly.
May mga napa-“OMG!” sa post ng aktres at may gusto namang ipakilala na ni Kylie ang boyfriend.
Tinawag na soft launch sa relasyon nila ng boyfriend ang post ni Kylie ng holding hands at sana, ang kasunod nito face at name reveal na.
Pero marami na ang nakakakilala sa BF ni Kylie, iba lang ‘pag galing sa aktres ang introduction.
Makikita sa photo na may tattoos ang kamay ng ka-holding hands ni Kylie. Ibig sabihin, mali rin ang tsika na nag-break sila ng BF niyang tattoo artist. O, baka nagkabati na sila.
Whatever! Ang importante, masaya si Kylie Padilla.
Nasa Instagram (IG) Story ni Rhian Ramos ang naganap na grand presscon ng movie nila ni JC Santos na Meg & Ryan (M&R) at maganda ang feedback ng mga netizens. Hindi love team ang dalawa at first time rin nilang magtambal, pero nag-uumapaw ang kanilang chemistry na para bang matagal na silang magkatambal.
Sabagay, hindi tatawaging “Mr. Chemistry” si JC at “Miss Chemistry” naman si Rhian kung wala silang built-in chemistry na kahit sino ang makapareha ay bumabagay.
Kaya hindi rin nahirapan si Director Catherine O. Camarillo sa mga eksena ng dalawa dahil lumabas agad ang chemistry ng mga bida sa latest movie ng Pocket Media Films.
Sa mga gustong mapanood at ma-experience ang kakaibang chemistry at kilig nina Rhian at JC, watch the movie na showing na sa August 6 in cinemas nationwide.
Kakaibang rom-com (romantic-comedy) movie ito, ‘yung tatatak, pag-uusapan ng moviegoers at marami ang makaka-relate.
Dagdag na ikinaganda ng movie ang theme song na Torete sa version ng Better Days.
Sabi ni Direk Cathy, sinadya nilang ibahin ang areglo para palabasin sa POV ni Ryan (JC) na natorete ang isip nang makilala si Meg (Rhian).
Samantala, we asked JC kung paano ide-describe si Rhian as an actress in one word at nahirapan itong sumagot dahil marami siyang naisip.
“Rhian is complex. Feeling ko, marami pa s’yang ilalabas at hindi pa lang s’ya nabibigyan ng role na ipakita ang galing n’ya. Feeling ko, puwede pa s’yang lumalim nang lumalim,” sagot ni JC.
Ipina-describe naman namin kay Rhian si JC bilang leading man at mabilis ang sagot nitong, “JC is generous. Generous human being and a generous actor. Lahat ibinibigay n’ya mapaganda lang ang project. Feeling ko nga, pati pag-iilaw sa shooting, gagawin n’ya kung sasabihin sa kanya. Tinulungan n’ya ako kung paano ko ia-acting ang eksena. He is very open.”
Hindi lang nasagot ni Rhian ang tanong namin kung happy ang ending ng M&R, na dapat daw, panoorin para malaman. Ayaw din nitong ma-preempt ang moviegoers, kaya panoorin n’yo na lang ang isang magandang rom-com movie.
PAREHONG hindi ine-expect nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga (AshDres) na this early sa kanilang career at sa kanilang love team, bibigyan na sila ng Viva Films ng pelikula. Kinabahan, pero masaya ang love team sa first movie nila na Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna (M100BPKL).
Hindi rin in-expect ng AshDres love team ang mainit na suporta ng kanilang mga fans sa movie.
Teaser pa lang ang ipinakita, umabot na sa 12 million ang views within 24 hours. Siguradong mas tataas pa ang views kapag official trailer at mismong pelikula na ang ipinalabas.
Sa direction ni Jason Paul Laxamana, in-assure nito ang mga fans nina Andres at Ashtine ng isang magandang pelikula. Kahit matagal nang ipinalabas at kahit hindi na sikat ang AshDres love team ay maaalala pa rin ng kanilang mga fans.
Magsisimula pa lang ang shooting ng movie, may time pa sina Andres at Ashtine na paghandaan ito.
Sabi ni Ashtine, “Nagpo-focus ako sa script, kinakabisado ko na para sa shooting. Kabisado ko na pati ang right emotion sa mga eksena, inaalam ko na.
“Ganu’n din ang ginagawa ni Andres, binabasa at kinakabisado ang script at kinikilala ang karakter niyang si Raffy at pinaghahandaan ang mga eksena nila ni Luna (Ashtine). Ayaw na rin n’yang magpa-pressure at ang pangako, ‘I will do my very best.’”
Bongga!










Comments