‘Di pa rin naka-move on? MARIS, NAPA-“WHAT?” NANG MARINIG ANG NAME NG EX NA SI RICO
- BULGAR
- 18 hours ago
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 16, 2025
Photo: Maris Racal - SS / Rainbow Rumble - YT
Guest si Maris Racal sa game show ni Luis Manzano na Rainbow Rumble (RR) kamakailan.
Sa gitna ng laro, binasa ni Luis ang tanong na, “Kumpletuhin ang hit song ng ‘80s American pop group na Breakfast Club: Rico (blank).”
Ang bilis ng swipe ng aktres, pero ang nasabi niya ay “Rico, what?”
Ang kanyang sagot ay agad na ikinatawa ng buong studio—mula sa mga co-stars hanggang sa host.
Pabirong tugon ni Luis, “Maris, hindi s’ya (na halata naman na ang tinutukoy ay si Rico Blanco), ah?”
Ang singer-songwriter na si Rico Blanco ay ex ni Maris.
Kasama ng aktres ang cast ng movie niyang Sunshine na sina Elijah Canlas at Meryll Soriano, si Director Antoinette Jadaone at ang producer na si Dan Villegas.
Nakuha tuloy ni Meryll Soriano ang tamang sagot na “Mambo” para sa kantang Rico Mambo.
Gayunpaman, hindi nagpahuli si Maris dahil siya pa rin ang itinanghal na ‘winning rumbler of the night,’ at isang cube na lang sana ang layo niya sa pagkapanalo ng grand P1M pot money.
Ang naturang eksena ay agad nag-viral sa social media matapos i-post ng user na AltStarMagic sa X (formerly Twitter). Isang patunay ng natural na aliw factor ni Maris kahit off-script.
Komento tuloy ng isang netizen, “Hahaha! Hindi pa naka-move on?”
Totoo ba, Maris? Bukas ang BULGAR sa iyong magiging kasagutan, Hahahaha!
MATAPOS na hindi magparamdam nang ilang taon din naman ang ex-Pinoy Big Brother (PBB) housemate-aktres na si Kisses Delavin ay muli siyang nakita sa isang viral video na nagba-ballet. Nasa New York na siya at isang ballet student sa Martha Graham School.
Si Kisses ay second Big Placer ng PBB: Lucky 7 season noong 2016.
Sa YouTube, naispatan si Kisses na nagpe-perform para sa school’s Spring Showcase sa Martha Graham Studio Theater.
Parte siya ng isang grupo ng mga dancers, ang Letter to the World under the Beginner Performance Workshop led by Ghislaine van den Heuvel.
Ayon sa website, ang Martha Graham School ay ang oldest professional school ng ballet dance sa United States.
Matagal na siyang hinahanap ng kanyang mga fans at ng mga netizens dahil kahit ni isang post nga ay wala ito. Tinagurian nga siyang ‘the girl who ran away’ dahil ito ang naging sagot niya nang tanungin kung paano niya gustong maalala siya ng mga tao.
Comentários