top of page

'Di pa raw game kunin… JENNYLYN AT DENNIS, MAY BABY BOY NA IPINATAGO SA TATE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 19, 2024
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 19, 2024



Showbiz News

May A-lister celebrity na namang nadagdag bilang ambassador ng Beautederm dahil kahapon ay opisyal nang pumirma ng kontrata ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa skin care brand na pag-aari ng CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.


Kasabay ng contract signing ang launching kay Jen as the newest endorser at ang bongga ng pag-welcome sa Kapuso star dahil sa Solaire Hotel sa QC pa ito ginanap at bumaha ng pa-raffle na ikinaloka ni Jen.


Fifteenth anniversary din kasi ng Beautederm this year kaya ganu'n na lang kabongga ang pasasalamat ni Ma'm Rei sa lahat ng taong nakatulong upang marating ng kanyang kumpanya ang tagumpay.


Bukod kay Jennylyn, kasama rin sa mga bagong endorsers ng Beautederm sina Gelli de Belen at Faith da Silva na wala sa launching.


Anyway, sa Q&A portion, natanong namin si Jen kung paano nito hina-handle ang stress sa mga anak at kay Dennis Trillo kapag nagkakatampuhan sila.


Aminado naman ang hot mama pa ring si Jen na hindi talaga maiiwasan ang stress, pero nama-manage niya ito nang maayos kaya hindi siya tumatanda o nalolosyang tulad ng ibang nanay.


"Ah, normal naman kasi, parang nakasanayan ko na 'yung stress na 'yan. Sa lahat ng mga pinagdaanan ko sa buhay, parang pinatatag na ako ng stress."


Malaking bagay daw na napakabait ng kanyang asawa kaya kinakaya pa rin niya ang stress.


"Well, si Dennis, napakabait na partner. Ang ganda ng tandem naming dalawa na 'pag ako 'yung nai-stress at 'di ko alam 'yung gagawin ko, siya 'yung, 'O, teka, ako muna. Mag-relax ka lang d'yan, matulog ka. Ano'ng gusto mo?' 'yung ganu'n.


"Tapos ako rin, 'pag ako naman 'yung relaxed, siya naman 'yung nai-stress, ako naman 'yung magte-takeover.


"So, maganda 'yung team namin, 'di namin sinasabayan 'yung isa't isa. 'Pag nagkakaroon kami ng problema, kahit 'yung problema naming dalawa, 'pag nag-aaway kami, mainit na 'yung ulo, hihiwalay muna kami ng kuwarto. Magkukulong ako dito, siya naman sa kabila, 'yung ganu'n. Nakatulong 'yung matagal na naging kami at nakilala na namin ang isa't isa," dagdag pa ni Jen.


Nagbiro rin ito na ngayong close na sila ni Ma'm Rei, sa mabait na CEO na raw siya hihingi ng payo kaya ito naman ang mai-stress sa kanya.


Samantala, dahil 2 yrs. old pa lang pala ang bunso nina Jennylyn at Dennis na si Dylan ay wala pang balak ang mag-asawa na sundan ito dahil gusto pa nilang i-enjoy nang mabuti ang anak.


Although inamin ni Jennylyn na nu'ng nagpunta sila ni Dennis sa USA para magpa-in vitro fertilization dahil hirap nga siyang magbuntis noon, nakapag-harvest at nakapagpa-preserve pala sila ng egg cells kaya may 'boy' na raw sila ng mister sa USA.


So,  hangga't 'di pa sila ready na magkaanak uli, nakatago lang du'n ang egg ni Jennylyn, pero anytime na gustuhin na nilang mabuo ito, puwede namang si Jen ang magdala o ang surrogate mom na una nilang plano noon.


Anyway, proud na proud naman si Ma'm Rei sa bagong addition to Beautederm family dahil napaka-genuine raw ni Jennylyn, mabait at humble tulad niya kaya nagustuhan niya ang ugali nito.


Lahat ng facial care ng Beautederm ang ine-endorse ni Jennylyn na perfect endorser talaga dahil maalaga sa skin ang aktres lalo't inamin niyang may psoriasis pala siya kaya kailangan talagang i-maintain ang kanyang skin at magsipag sa mga pagpapahid.


Tinanong nga namin si Ma'm Rei kung next na bang kukuning endorser si Dennis Trillo na mister ni Jen at sagot lang ng sikat na CEO — na parang artista na rin ngayong nilalapitan ng fans para magpa-selfie — ay abangan ang dalawa pang A-listers na ilo-launch nila sa mga susunod na buwan bilang bahagi ng 15th successful years ng Beautederm.


Bongga!



Balikan sa movie, malabo na rin…

JAMES, AYAW NANG PAG-USAPAN SI NADINE 



James Reid

OBVIOUSLY ay ayaw na talagang ma-associate ni James Reid sa ex-love team at girlfriend na si Nadine Lustre dahil sa nakaraang EDDYS Awards kung saan dumating si James para maging isa sa mga presenters, nakorner siya ng press at natanong kung willing pa ba siyang magsama uli sila ni Nadine ngayong balik-showbiz na siya.


Ani James, mas gusto niyang mag-solo ngayon kesa magkaroon ng ka-love team. Gusto rin daw niyang mag-explore sa kanyang career nang solo. 


At para maiwasan na ngang sagutin ang tanong tungkol kay Nadine ay hinila na ito papasok sa standby area ng mga artista, kaya wala nang nagawa ang press people.


Well, sabagay, pareho namang tahimik na ang buhay nila ni Nadine kaya mag-move on na rin ang mga umaasa pa sa kanilang balikan.


Hindi lahat, may second chance, 'no!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page