top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Di pa naibigay na suweldo ng OFWs, babayaran ng Saudi gov’t – DMW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 18, 2022
  • 2 min read

ni Lolet Abania | November 18, 2022



Pumayag ang Kingdom of Saudi Arabia na siyang magbayad sa mga sahod ng nasa 10,000 overseas Filipino workers (OFWs) na hindi pa natatanggap ang kanilang mga suweldo mula sa mga Saudi-based employers simula noong 2015, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) ngayong Biyernes.


“[Saudi has] set aside 2 billion Riyals to help our displaced workers,” saad ni DMW Secretary Susan Ople sa isang statement.


“The Crown Prince, His Royal Highness, announced and said that this was his gift – he really prepared for this and this was an agreement reached by the Saudi government just a few days ago,” sabi ni Ople.


“So this is really good news and we thank po Saudi Arabia,” dagdag niya.


Ayon sa DMW, sakop ng polisiya ang mga workers mula sa Saudi OGer, MMG, ang Bin Laden group, at iba pang construction companies na nagdeklara ng bankruptcy noong 2015 at 2016.


Inilarawan naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang anunsiyo bilang aniya, “very good news.”


“Pinaghandaan talaga tayo ni Crown Prince. Kaya’t sabi niya ‘yung desisyon na ‘yan ay nangyari lamang noong nakaraang ilang araw at dahil nga magkikita kami at sabi niya ito ‘yung regalo ko para sa inyo,” pahayag ni Pangulong Marcos, matapos ang kanyang bilateral meeting kay Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman.


Tiniyak naman ng labor minister ng Saudi Arabia sa mga Filipino officials na ang pagkabigo ng mga employers na magbayad sa mga OFWs sa Saudi ay hindi na muli pang mangyayari, ayon sa Pangulo.


“Sila mismo magbibigay ng insurance kung sakali man mangyari ulit ‘yan na malugi ‘yung korporasyon na tinatrabahuhan nila at hindi nila makuha ang kanilang sahod, ‘yung insurance ang magbabayad,” paliwanag ng Chief Executive.


“So marami rin talagang tinutulong sa atin ang pamahalaan ng Kingdom of Saudi Arabia,” sabi pa ni P-BBM.


Sa datos ng Philippine Statistics Authority, noong 2020 ay nasa 26.6 porsiyento ng 3.48 milyong documented OFWs ang nagtatrabaho sa Saudi Arabia.


Bukod sa construction workers, ang Pilipinas ay nakapag-deploy din ng mga health workers at domestic workers sa Middle Eastern kingdom.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page