top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

'Di pa kuntento sa 1 girl at 1 boy… DINGDONG, GUSTO PANG ANAKAN ULI SI MARIAN

  • BULGAR
  • Mar 16, 2021
  • 1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 16, 2021




Gusto pang sundan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang dalawa nilang anak na sina Zia and Ziggy.


“Definitely, we want more,” sey ni Dingdong nang tanungin ni G3 San Diego kung ilan ang gusto niyang maging anak.


Panganay si Dingdong sa limang magkakapatid kaya naman sanay siya sa malaking pamilya.


Bilang isang ama, talaga namang ginagawa rin ni Dingdong ang lahat para sa future ng kanyang mga anak. Todo-kayod din naman siya talaga dahil gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.


‘Yun nga lang, unfortunately ay nangyari itong pandemic na talagang tumigil ang buong mundo kabilang na nga ang ating showbiz industry.


Pero sa pandemic na ito ay naramdaman din ni Dong ang pagiging isang full-time father since bago nga ito ay sobrang busy siya sa trabaho.


“Sabi ko nga, I’m kinda liking this. Medyo wala akong masyadong commitments pero I get to spend time and nagpapasalamat ako na binigyan ako ng pagkakataon to see my kids grow.

“Kasi ‘yung chapter na ‘to ng buhay nila, 'di ba, very, very important na kailangang masamahan mo sila rito sa development stage na ‘to.


“Nu’ng nag-start ‘yung pandemic, ‘yung anak kong lalaki, hindi pa gumagapang, tapos ngayon, tumatalon na, nagma-monkey bar.


“So, nagpapasalamat ako na I was able to witness these milestones. But of course, sana, you know, hindi nangyari sa ganitong context. But I am still grateful, I couldn’t complain,” pahayag pa ni Dong.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page