top of page
BIDA - CUP OF JOE, IPINABOBOYKOT SA DAVAO, BABATUHIN NG DURIAN NG MGA DDS-FB Cup of Joe.jp

‘Di natuloy ang kasal, nag-enjoy na lang… GASTOS SA BAKASYON SA SPAIN NG MGA BFF, SAGOT NI BEA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 18, 2026



TEKA NGA - GASTOS SA BAKASYON SA SPAIN NG MGA BFF, SAGOT NI BEA-IG _beaalonzo

Photo: IG _beaalonzo



Hindi na nga natuloy ang kasalang Bea Alonzo at Vincent Co sa Spain na naka-set sana nu’ng May 14 to May 16. Bale, tatlong araw sana ang magaganap na wedding celebration. Pero, na-cancel nga ang kasal dahil umano sa mga terms sa prenup agreement na hindi sinang-ayunan ni Bea at ng kanyang partido.


Sa mismong araw sana ng kasal, nasa Maynila si Vincent Co kasama ang kanyang amang si Lucio Co upang dumalo sa Puregold Aling Puring Convention. Nasa Spain naman si Bea Alonzo at ang kanyang pamilya na nag-enjoy sa pamamasyal. 


Ang BFF naman ni Bea na si Dimples Romana ay namasyal na lang sa Spain kasama ang kanyang mister.


May bali-balita rin na sagot daw ni Bea ang gastos sa pagbabakasyon sa Europe ng mga kasama sa entourage ng kasal nila ni Vincent na hindi natuloy. 


Well, ang bongga naman ng treat na ito ni Bea Alonzo sa mga kaibigang lumipad ng Spain upang saksihan ang kasal nila ni Vincent Co. Na-appreciate ng aktres ang suporta ng kanyang mga kaibigan sa panahon na kailangan niya ng karamay.





Akmang-akma sa aktres na si Sue Ramirez ang titulo ng pelikula niyang Project Baby ng Regal Entertainment. Karamihan kasi sa mga kababaihan ngayon ay hangad lang na magkaroon ng baby sa kanilang karelasyon kahit hindi sila mapakasalan. 


Hindi na takot ngayon ang mga kababaihan na maging single mom, lalo na’t kaya naman nilang buhayin ang kanilang magiging anak.


Sa parte ni Sue, natanong ito kung okay ba sa kanya ang magka-baby sila ng nobyong aktor na si Dominic Roque kahit hindi pa kasal. Mahigit isang taon na rin silang magkarelasyon ni Dominic, kaya ine-expect ng marami na mauuwi sa kasalan ang kanilang pagmamahalan.


Ganunpaman, walang pag-aalinlangan si Sue Ramirez sa kanyang pahayag na okay lang na magka-baby siya kahit hindi pa sila kasal. Malaki ang tiwala niya sa pagkatao ng aktor at alam niyang magiging responsable ito sa kanilang magiging anak. At hindi niya pinagsisisihan na minahal niya si Dom.





HINDI lang sina Ian Veneracion at Harvey Bautista ang mapapansin kapag napanood ang six-part series na Drug War: A Conspiracy of Silence (DWACOS) na idinirek ni Shugo Praico. Produced ito ng Rein Entertainment at KC Global Media.


Markado rin ang role ni Romnick Sarmenta bilang isang drug user/pusher. Mag-ama sila rito ni Harvey Bautista na pinantayan ang husay niya sa pag-arte.


Habang nagtatagal si Romnick sa showbiz ay mas lumalalim ang husay niyang umarte. At kahit hindi siya ang bida sa pelikula o TV series, kanyang tinatanggap at pinananatili ang pagiging professional sa trabaho.


Kahit na baguhan ang mga producer na kumukuha sa kanyang serbisyo ay pinagbibigyan ni Romnick. Mahal niya ang kanyang propesyon bilang artista. Handa siyang tumulong at sumuporta sa mga baguhang movie producer. Kaya ine-expect din ni Romnick na bibigyan din siya ng kaukulang respeto ng mga direktor at artistang kanyang nakakatrabaho.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page