top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

'Di nanalong senador… RUFFA, TODO-IWAS NANG PAG-USAPAN SI BISTEK

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 19, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 19, 2022



Dahil kumita nang husto ang Maid in Malacañang, bumongga at nabuhay ding muli ang career ni Ruffa Gutierrez. Kaya naman, pinapirma na siya ng management contract ng Viva Artist Agency.


Hindi na si Annabelle Rama ang tatayong manager niya kundi si Vic del Rosario na. At may follow-up project agad siya after ng MIM. Ang life story naman ni former First Lady Madam Imelda Marcos ang kanyang gagawin sa Viva.


Labis lang na ipinagtataka ng marami ang tsikang umiiwas na raw ngayon si Ruffa na pag-usapan si Herbert Bautista na alam ng lahat na BF niya, samantalang bago nag-election noong Mayo ay panay ang papuri niya kay Bistek. Ito raw ang nag-push sa kanya na mag-aral at tapusin ang kanyang kolehiyo.


Tanong tuloy ng mga loyal supporters ni Bistek, porke ba hindi nanalong senador si HB, ayaw na ni Ruffa na maugnay pa sa dating mayor ng Kyusi?


Career move ba ang ginagawang ito ni Ruffa Gutierrez? Ganoon ba kadali para sa kanya ang bitawan si Bistek?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page