top of page
Kim Chiu - IG.jpg

‘Di naman daw super in love… KRIS, WALA RAW PLANONG MAGPAKASAL SA BF NA DOKTOR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 18, 2024
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 18, 2024



  • Kris Aquino

Photo: Kris Aquino / IG


Maraming nagsasabi na hindi magtatagumpay ang love story ni Kris Aquino at ng rumored boyfriend niyang doktor na si Dr. Michael Padlan. 


Fake news ang kumalat na plano na nilang magpakasal. Mukhang hindi rin totoo ang balitang in love si Kris kay Dr. Michael. 


Ang mga malalapit kay Kris ang tunay na nakakaalam ng kanyang pagkatao at pag-uugali, at ayon sa kanila, hindi si Doc Michael ang lalaking gustong pakasalan ni Kris kahit pa isa itong mahusay na doktor. 


Kabisado na ng mga kaibigan ni Kris ang kanyang kilos, kapag in love siya, hindi niya ito maitatago. Ibinabahagi niya sa publiko ang bawat detalye ng kanyang love life. 

Pero simula nang bumalik siya sa Pilipinas, wala siyang post tungkol sa doktor. Kaya marami ang nag-iisip na hindi ganoon kalalim ang pagmamahal ni Kris kay Dr. Michael, lalo na kumpara sa mga nauna niyang relasyon, tulad ng kay Herbert Bautista.



SAMANTALA, maraming natuwa sa balitang magbabalik si Kobe Paras sa paglalaro ng basketball. Sa basketball talaga siya magaling at hindi sa showbiz. Mismong ang girlfriend niyang si Kyline Alcantara ang nag-encourage kay Kobe na bumalik sa kanyang basketball career, at inaayos na ito ngayon ni Kobe, posibleng ma-draft pa siya sa PBA. 


Ngayong in love at inspired si Kobe, mas nagiging malinaw ang direksiyon ng kanyang buhay. Kaya tamang-tama na si Kyline ang magpokus sa showbiz habang si Kobe naman ay mag-concentrate sa kanyang basketball career. 


Tiyak, matutuwa rin si Benjie Paras sa desisyon ni Kobe na bumalik sa basketball, lalo na’t si Andre Paras, kapatid ni Kobe, ay nasa showbiz na. 


Hindi dapat sayangin ni Kobe ang mga oportunidad sa basketball dahil bata pa siya at marami pang mararating. Bagay din sila ni Kyline dahil pareho silang goal-oriented at may mga pangarap.



HANGGANG ngayon, usap-usapan pa rin ang mala-Korean drama na kuwento ng pulis na si Julius Manalo, half-brother ng aktor na si Jay Manalo. 

Ginawa ni Julius ang lahat upang mahanap ang kanyang ina na nawalay sa kanya nang mahigit 30 taon.


Anim na taong gulang pa lang si Julius nang dalhin siya ng kanyang Pinoy na ama sa Pilipinas, at hindi niya alam na inilayo na pala siya sa kanyang Korean biological mom, pati sa kanyang lola at mga kamag-anak. 


Malinaw pa rin kay Julius ang alaala ng kanyang kabataan sa Korea, kung saan siya ipinanganak. Ang lola niya ang nag-alaga sa kanya dahil abala sa trabaho ang kanyang ina. 


Sa tatlong dekadang pagkakawalay ni Julius sa kanyang ina, hindi nawala ang pagnanais niyang makita at mayakap itong muli. May mga taong tumulong sa kanya sa paghahanap at nang makita na niya ang kanyang ina, halos ayaw na niyang mahiwalay dito.


Naikukumpara tuloy si Carlos Yulo kay Julius dahil masuwerte raw ito na simula pagkabata ay naalagaan at nakasama ang mom na si Angelica Yulo. 


Sinuportahan ng kanyang ina ang pangarap niya na maging mahusay na gymnast. Nakasama rin ni Caloy ang kanyang ama at mga kapatid habang siya ay lumalaki, samantalang si Julius ay nawalay sa kanyang Korean mom sa loob ng 30 years.


Pero sa kabila nga ng malaking nagawa ni Angelica para maging champion gymnast ang anak, dahil lang sa sulsol ng kanyang GF na si Chloe San Jose, nakalimutan ni Carlos Yulo ang mga sakripisyo ng kanyang ina.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page