top of page

‘Di naman daw nagsisi… BEA, AMINADONG NAGKAMALI NANG MAGING BF SI DOMINIC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 19
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 19, 2025



Photo: Dominic Roque at Bea Alonzo - FB


Ayon kay Bea Alonzo, mas kalmado raw siya at nasa mabuting lugar this year kaysa noong nakaraang taon.


Sa kanyang pagbisita sa beauty clinic ni Dra. Aivee Teo, napag-usapan nila ang kanyang pinagdaanan noong nakaraang taon, na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung ano ‘yun at sa mga bagong kaganapan naman sa kanya this year.


“Mas kalmado this year, I think,” aniya sa vlog ni Dra. Aivee. 


Paliwanag niya, “I knew I would be in this place of course, but last year kasi, I really allowed myself to discover, get to know myself even better, and then, I allowed myself to go out and meet new people.”


Dagdag niya, “So now, ang dami kong new friends, so masaya.”


Natanong din ang aktres kung ano ang lessons na natutunan niya sa kanyang pinagdaanan hindi lang sa love life kundi in general.


“You really have to be kind to yourself, I think. And honor what you’re going through,” sey ni Bea.


Matatandaang February last year nang ianunsiyo ni Bea at ng ex-fiancé na si Dominic Roque na hiwalay na sila at hindi na matutuloy ang kanilang kasal.


“Since last year, I chose to veer away from social media, I chose to stop vlogging, and then, hindi na ako masyadong nagpo-post,” saad ng aktres.


“During that time, I felt like I kind of needed a break from all of that and really just focus on myself and honor what I was actually going through in real life,” dagdag niya.

Tinanggap daw niya sa sarili ang pagbagsak niya at alam naman daw niya na babangon din siya ulit.

Na-realize rin daw niya that time na okey lang magkamali.


“Before, sa mga interviews ko, lagi kong sinasabi na ‘Ah, ayokong i-announce or ayoko nang magkamali sa harap ng public kasi nakakahiya, paulit-ulit akong nagkakamali and I’m at this age na dapat, hindi na ako nagkakamali.’ Lagi kong sinasabi ‘yan before.


“But last year, I realized, we’re just humans and we can make mistakes, you know. Parang okey lang magkamali. Ganu’n talaga ‘yung buhay, eh,” pahayag ng aktres.


Pero nilinaw naman niya na wala siyang pinagsisisihan sa lahat ng naging desisyon niya noon.


“Parang ang pangit din nu’ng sinasabi kong mistake, ‘no? Parang ang hirap siyang i-label as mistake like in general. Kaya lang kasi, pagka sinabi mong pagkakamali, parang pinagsisisihan mo.


“Wala, wala naman akong pinagsisisihan and at that moment, it felt right to make those decision, I don’t regret anything,” aniya.


Ipina-describe ni Dra. Aivee kay Bea ang nararamdaman nito ngayon at sagot ng aktres, “I guess, I’m just calm, nasa serene place ako, okey ako.”


Sa nasabing vlog ay hindi na nila pinag-usapan ang tungkol sa rumored boyfriend ni Bea Alonzo na si Puregold President  Vincent Co.



MAKIKISAYA ang mga inaabangang karakter mula sa Encantadia Chronicles: Sanggre (ECS) sa mundo ng mga tao ngayong Linggo, July 20, sa Gateway 2

Quantum Skyview, Araneta City mula 10:00 AM hanggang 5:00 PM.


Libre ang event na ito kung saan tampok ang mga Kapuso stars na sina Bianca Umali, Faith da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda, Rhian Ramos, Shuvee Etrata, Michelle Dee, at marami pang iba. Talaga namang exciting ito para sa lahat ng mga viewers at supporters ng serye.


Samantala, good vibes ang paniguradong hatid nina Pinoy Big Brother (PBB) Collab 3rd Big Placer Charlie Fleming at PBB alumni at MAKA star Josh Ford sa selebrasyon ng Kadagayan Festival 2025 sa Tagum City, Davao del Norte ngayong Linggo, July 20, courtesy of GMA Regional TV.


Hindi dapat palagpasin ang mga exciting at nakaka-fresh na sorpresa at performances nina Charlie at Josh sa fun-filled #KapusoMallShow sa Gaisano Mall of Tagum, Tagum City, Davao del Norte sa ganap na 4 ng hapon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page