'Di nag-promote dahil Pinklawan… MOVIE NI EDU NA ANTI-P-NOY, KULELAT NA SA MMFF, NILANGAW PA
ni Ambet Nabus @Let's See | January 5, 2023

Hindi na namin inabutan sa mga sinehan ang Mamasapano na rumatsada talaga sa mga nominations sa lahat ng kategorya sa MMFF 2022.
Ayon sa mga tellers na nakausap namin, literal na walang tao at ito talaga ang nangulelat among the 8 entries.
Anyare sa gustong patunayan ng gobyerno hinggil sa tinatawag nilang "now it can be told," real story ng kontrobersiyal na pangyayari sa SAF 44 noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino?
May tsika pang well-supported ito ng SAF families at ilang anti-violence groups, pero mukhang 2-3 days lang ang itinagal nito sa mga sinehan?
At ano itong narinig naming tsismis na kaya umano hindi nagsipag mag-promote ang bida ritong si Edu Manzano a.k.a. Papa Doods ay dahil ayaw nitong maging bahagi ng (again) "false advertising?"
Kilalang "pinklawan" si Papa Doods, 'di ba?
Magre-request na lang tuloy kami sa mahal naming si Nanay Cristy Fermin na mabigyan ng kopya ng ipinanalo niyang theme song sa movie na Ang Aking Mahal, dahil hindi na nga namin naabutan sa mga sinehan ang movie.





Comments