top of page

'Di na rin suot ang wedding ring nila ni Aljur… KYLIE, IPINAGSIGAWANG MALAYA NA SIYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 24, 2021
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | February 24, 2021





“May pinagdaraanan lang, inaayos naman nila,” ito ang tipid na sagot sa amin ng taong malapit kay Aljur Abrenica tungkol sa bali-balitang hiwalay na sila ng asawang si Kylie Nicole Padilla – Abrenica.


Ikinasal sina Kylie at Aljur noong Disyembre 11, 2018 at anak na nila noon si Alas na isinilang naman noong 2017, at Disyembre, 2019 naman isinilang ang bunsong si Axl Romeo.


Sa pagkakaintindi namin base sa mga posts ni Aljur sa kanyang Instagram account ay nasa locked-in shooting siya at nami-miss na niya ang kanyang mag-iina.


May post si Aljur noong Enero 29 na larawan nilang pamilya na ang caption, “Miss ko na kayo,” na sinagot naman ni Kylie ng, “We MISS YOU.”


Sinundan ito ng larawan nilang mag-aama na nakaupo sa sahig at kalong niya ang dalawang anak na may pinapanood.


“Reminiscing right now,” ani Aljur.


May post si Aljur na video na nag-e-exercise siya habang nasa set noong Pebrero 8, “Took a quick workout on the set before the shoot. #noexcuses.”


Pebrero 12 ay kapiling na ni Aljur ang mag-iina niya at ipinost ang larawang nasa dining table sila, “Finally home.”


May larawang kuha si Aljur na may hawak na rosary habang hawak ang manibela nitong Pebrero 18, “Prayed the rosary on the road. Been praying for a while. The power of prayer is real. Brought peace and clarity. Thank you @vinabrenica for lending and guiding me.”


At nitong Pebrero 22, may video post ang aktor na nagba-bonding sila ng anak niya na binabato ng pintura ang dingding ng bahay nila kung saan nakapintura ang malaking pusong pula na naging abstract.


Samantala, nang silipin namin ang IG account ni Kylie ay wala na ni isa ang mga larawan ng asawang si Aljur.


Sa kanyang IG story ay may post siyang, “I’m submissive not stupid.”


At ngayong araw, Pebrero 23, mababasa ang, “More self love baby girl.”


May video post din na namamasyal ang mag-iina pero wala si Aljur at larawang nakasuot siya ng pulang damit na ang caption ay, “Free.”


Sa kanyang IG stories ay ipinakita ng aktres na hindi na niya suot ang wedding ring.


Habang isinusulat namin ito ay nagpadala kami ng mensahe sa taong malapit kay Kylie para sa pahayag naman sana ng malapit kay Aljur na may ‘pinagdaraanan sila at inaayos’, pero hindi kami sinagot.


Bukas ang Bulgar para kina Aljur at Kylie.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page