‘Di na raw mababago, Bea… SUE, TANGGAP ANG NAKARAAN NI DOMINIC
- BULGAR

- Jun 8, 2025
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | June 8, 2025
Photo: Dominic Roque at Sue Ramirez - IG
Wala nang isyu kay Sue Ramirez kung may magtanong man sa kanya hinggil sa ex-GF ng boyfriend niyang si Dominic Roque.
Sa isang TikTok video, tinanong si Sue kung napag-uusapan ba nila ni Dom ang kanilang dating partners, partikular na ang ex-girlfriend ni Dom na si Bea Alonzo.
Diretsang sagot ng aktres, “Oo naman! Hindi naman s’ya isyu.”
Paliwanag ng aktres, “Actually, kailangan s’ya, eh. Parang crucial na to make a relationship work is to actually talk about the traumas. What made this person this way and how will I understand him more deeply. I have to know where he is coming from, and I have to accept also where he is coming from — the same goes with him for me.”
Dagdag pa niya, “So ganu’n lang ‘yun, it’s always a process of accepting, and wala, hindi mo s’ya mababago… you can’t change it, the only thing you can do is accept it and help each other to get through whatever it is to solve mga issues, traumas.”
Opisyal na kinumpirma ng celebrity couple ang tunay nilang relasyon nang sabay silang dumating sa ABS-CBN Ball 2025.
Ayaw daw maging spoiled… MYLENE, WALANG BALAK IPAMANA SA 2 ANAK ANG MGA ARI-ARIAN
WALA umanong balak ipamana ni Mylene Dizon ang mga ari-arian sa dalawang anak na lalaki na sina Tomas at Lucas.
Guest si Mylene sa YouTube (IG) Channel ni Bernadette Sembrano kamakailan. Ikinuwento ng mahusay na aktres kung paano niya pinalalaki ang dalawa niyang boys bilang single mom.
Aminado siyang isa siyang disciplinarian mommy sa pagpapalaki sa mga anak. Edukasyon lang daw ang tanging kaya niyang ibigay bilang pamana sa mga anak kaya nais niyang matutunan ng mga ito ang responsibilidad at pagiging maayos na lalaki sa pamamagitan ng sariling pagsisikap.
Diretsahan din niyang sinabi na hindi niya balak ipamana ang mga ari-arian sa kanyang 2 anak. Ayon sa mahusay na aktres, mahalaga sa kanya na maging matino, responsable at marunong sa buhay ang mga anak. Pinili niyang hindi sila palakihin sa karangyaan.
Sey ni Mylene, “Kailangan, eh, because I’m a single mom and I have to do both jobs, and I’m a mother of boys.”
Nais niyang turuan ang mga anak ng tamang disiplina at hindi gawing mga spoiled.
Aniya pa, “I want them to make it on their own.”
Para sa aktres, mas mahalaga ang edukasyon kaysa materyal na bagay. Sey niya, “That’s the only thing I can give.”
Inamin din ni Mylene na ayaw niyang magpakasal at kuntento na siya sa buhay.
Paliwanag niya, “I can’t be tied down. I don’t want anything else. I’m able to provide. I’m able to give my children an education that money can’t buy. Ano pa ang hihingin mo?”
Kaya kahit ilang luxury brand items pa raw ang ihain sa kanya, mas pipiliin pa rin niya ang matibay na kinabukasan para sa kanyang mga anak.
Well, siya ay isang batikang aktres na nakilala sa mga critically-acclaimed teleserye at pelikula.
Matapang at prangka siyang tao, kilala sa pagiging totoo sa kanyang paniniwala at paninindigan, maging sa larangan ng pagiging isang ina.
Ibinahagi rin ng aktres na hindi siya umaasa na siya ay susuportahan ng kanyang mga anak sa kanyang pagtanda. Sa halip, tinuturuan niya ang mga ito na maging independent at magtrabaho para sa sarili nilang kinabukasan.
Aniya pa, hindi niya gagawing “retirement fund” ang kanyang mga anak.






Comments