top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Di na makabalik… SEN. LITO, TODO-HIMUTOK NA PINATAY SA SERYE NI COCO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 30, 2021
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 30, 2021




Natupad na ang matagal nang pangarap ng action star at senador na si Lito Lapid — ang maidirek ng award-winning director at kababayan niya sa Pampanga na si Brillante Mendoza.


Natapos na niyang i-shoot ang movie nila ni Coco Martin with Direk Brillante titled Apag.Isang alok lang daw sa kanya ng Apag, agad-agad na niyang tinanggap.


“Ako nga sana ang producer nu’ng isang pelikula ko. Kinukuha ko siya, hindi siya pumayag.


Eh, baka kako may pinagkakaabalahan siya. Busy siya, ako mismo ang nag-offer sa kanya. Ako pa ang producer. Pero hindi kami natuloy.


"Kaya nu’ng nag-alok siya sa akin, ginrab ko na agad. Eh, parang Lino Brocka ‘yan, eh. Kaya sabi ko sa kanya, ‘Direk, sa susunod, baka puwede pa ako, ha?” pahayag ni Sen. Lito sa presscon ng ineendorso niyang PINUNO partylist sa darating na halalan.


Siyempre, isasali ni Direk Brillante ang Apag sa iba’t ibang international film festivals around the world. Eh, di malamang, rarampa rin si Sen. Lito sa iba't ibang international filmfests.


“Oo, kasi gusto ko ring magliwaliw. Hahaha!”


Hindi raw kasi siya basta makapunta sa ibang bansa sa dami ng permit na kailangan niyang makuha.


“Saka, maganda ‘yun, sa showbiz naman.”


Naibulalas din ni Sen. Lito na sana raw ay nasa FPJ’s Ang Probinsyano pa rin siya kung 'di siya tumakbong muli bilang senador noong 2019.


“Wala naman akong masyadong pinagkaabalahan na project nu’ng mawala ako sa Ang Probinsyano. Kaya, 'di ba, pinatay ako doon kasi nga dahil sa eleksiyon. Bawal, eh. Siguro kung hindi ako humabol, baka nandoon pa ako sa Ang Probinsyano. Nanghinayang din ako.


Kaya nga inisip nila, paano ako mabubuhay, inilibing ako doon. Hindi naman lang ako inilagay sa ataul. Hehehe.”


Kaya wish niya ay makabalik siya sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.


“At kaya isang offer lang sa akin nitong Apag, eh, lalo na't Coco Martin kasama ko ulit, tinanggap ko agad.”


Sa bago nilang movie ni Coco na Apag, hindi naman daw siya nanibago with his new role.


“Kapampangan kasi ang dialogue, walang bago sa akin.”


Ngayong natupad na ang pangarap na maidirek ni Brillante Mendoza, ano’ng masasabi niya sa style sa pagdidirek ng award-winning director?



“Relaxed na relaxed ako. Hindi kagaya nu’ng araw, mag-iisip ka ng gimik mo para mapanood ng tao. Aksiyon. Kasi ‘yung mga tagahanga ko, sadista, eh, gusto nila, 'pag babaril ako, mag-i-slide muna ako bago nila panoorin ang pelikula ko.”


Hindi raw siya gumawa ng action scenes sa Apag.


“Ay, hindi. Kaya lang, paiyak-iyak. Joke lang,” ngiti niya.


Compared sa paggawa ng action scenes, mas nahirapan daw siya sa pag-iyak.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page