top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bilyones para sa mahihirap, bantayan

  • BULGAR
  • Jan 17, 2023
  • 1 min read

@Editorial | Enero 17, 2023


Pag-ahon sa kahirapan. Sa pagsisimula pa lang ng administrasyon ay ito na ang ipinangako ng mga nasa gobyerno.


Tiniyak din nilang magkakaroon ng sapat na pondo para sa mga ahensyang direktang nagtatawid ng tulong sa mahihirap.


Kaugnay nito, una nang sinabi ng pamunuan ng Kongreso na maglalaan sila ng bilyun-bilyong pondo ngayong 2023 partikular sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Health (DOH).


Kaya tuloy ang cash ayuda at libreng serbisyo para sa Assistance for Individuals in Crisis Situation (AICS), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD), at Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP).


Good news ito para sa mga kababayan nating hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakausad mula sa hirap na dulot ng pandemya.


Batid natin na malaking tulong ito sa mga kababayan natin na walang-wala talaga.


Ang pakiusap lang natin ay hindi ito maabuso. Ito 'yung mga tulong na sana'y makarating sa mga karapat-dapat talaga.


Sa kabilang banda, huwag din naman sanang maabuso ng iba na hindi na magtatrabaho at aasa na lang sa ayuda.


Maunawaan sana natin na ang ayuda ay pansamantala lamang para maibsan ang kahirapan. Pero, puwede ring maging daan para tuluyang makaahon kung gagamitin nang maayos.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page