‘Di man sinuwerte sa lalaki… VINA, NANGANGARAP PA RING MAIKASAL KAHIT 49 NA
- BULGAR
- 5 days ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 30, 2025

Photo: Vina Morales via Bulgar Showbiz
Makulay ang naging love life ni Vina Morales at marami siyang naging manliligaw noong bata-bata pa siya. Halos lahat ng young actors ay na-in love sa kanya, at may ilan ding non-showbiz guys. May nakarelasyon din siyang isang pulitiko.
Pero hindi sinuwerte si Vina Morales sa mga lalaking nakarelasyon. Pagkatapos ng isang traumatic experience sa isang lalaking naugnay sa kanya ay hindi na siya ulit umibig nang seryoso. Ibinuhos na lamang niya ang kanyang panahon sa anak niyang si Ceana na ngayon ay 16 years old na.
Pero sa edad niyang 49, taglay pa rin ni Vina ang ganda at karisma na gugustuhin ng sinumang lalaki.
Pinayuhan din si Vina ng kanyang mga showbiz friends na muli siyang umibig upang may makasama sa panahon na matanda na siya.
Dalaga na ang kanyang anak at posibleng iwanan din siya ‘pag nagkaroon na ito ng sariling pamilya.
Hindi naman tuluyang isinasara ni Vina ang kanyang puso, posibleng umibig siyang muli. Nangangarap din siyang maikasal at makapag-asawa tulad ng ibang mga kasabayang aktres.
Kahit siya ang Big Winner ng PBBCCE…
MIKA, TANGGAP NA MAS SIKAT SA KANYA SI SHUVEE
HINDI na maawat ang mga fans nina Mika Salamanca at Shuvee Etrata. Si Mika raw ang itinanghal na Female Grand Winner ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition pero si Shuvee ang sikat na sikat ngayon at maraming endorsements.
Nasapawan na raw si Mika nang husto ni Shuvee at mas pinagkakaguluhan kapag nasa mall shows.
Marami ring TV guestings si Shuvee pagkatapos niyang lumabas sa PBB house.
Well, kahit na ano pang pagkukumpara ang gawin ng ilang fans ay hindi nagpapaapekto sina Mika at Shuvee. Masaya si Mika at hindi naiinggit sa tagumpay ni Shuvee. Mabait daw ito at mapagmahal sa kanyang pamilya kaya deserve ang mga blessings na dumarating sa kanya ngayon.
Karapat-dapat na idolohin ng mga kabataan si Shuvee.
Naniniwala si Mika na darating din ang panahon niya sa showbiz basta patuloy siyang magsisikap sa kanyang career.
MARAMI ang nagsasabing kung patuloy na mabibigyan ng magagandang projects si Joshua Garcia, mas lalawak pa ang mga oportunidad para sa kanya at magle-level-up pa nang husto ang kanyang pagiging aktor.
Puwede na siyang ihanay kay John Lloyd Cruz dahil dati na siyang tinatawag na junior version nito.
Naghahakot na si Joshua ng acting award. Itinanghal siyang Best Drama Actor sa nakaraang 37th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for TV.
Drama ang forte ni Joshua pero puwede rin siya sa rom-com. Hindi siya nakatali sa iisang love team lamang at puwede siyang ipareha kahit kaninong aktres.
Wish ng mga tagahanga ni Joshua ay huwag itong magbago kapag sumikat na nang husto at huwag din siyang mabarkada sa ibang aktor na magiging bad influence sa kanya.
Mahal ni Joshua ang kanyang pamilya kaya patuloy siyang nagsisikap sa kanyang career. Maganda rin ang pakikitungo niya sa kanyang mga fans kaya patuloy siyang sinusuportahan.
Malalaking endorsements na rin ang dumarating ngayon kay Joshua Garcia dahil malakas ang karisma niya sa mga tao.
MASAYANG-MASAYA ang buong cast ng sitcom na Pepito Manaloto (PM) at Bubble Gang (BG) nang manalong Best Comedy Actress si Chariz Solomon sa nakaraang 37th PMPC Star Awards for TV.
Truly deserving daw si Chariz dahil kinarir ang pagiging comedienne.
Fifteen years na siyang bahagi ng PM at nagmarka ang kanyang role bilang si Janice, ang asawa ni Patrick (John Feir) at sekretarya ni Pepito Manaloto (Michael V).
Natural ang atake ni Chariz Solomon sa kanyang role, effortless ang kanyang pagiging comedienne.
Magaan siyang katrabaho at swak kahit sino ang kaeksena niya sa mga skits ng BG. Gamay na gamay din niya ang kanyang role kaya nagtagal ang kanyang character sa sitcom.
Samantala, isa pang asset sa PM ay ang komedyanteng si Mosang. Tulad ni Chariz, natural na natural din siyang umarte at hindi pilit ang kanyang pagpapatawa. Matagal na rin na bahagi ng serye si Mosang at napamahal na siya sa pamilyang Manaloto.
Bukod sa pag-aartista, isa rin siyang negosyante. May carinderia siya na dinarayo ngayon. Fifteen years na ito at patuloy na kumikita.
Thankful si Mosang sa GMA Network at sa bumubuo ng Pepito Manaloto sa patuloy na pagbibigay sa kanya ng trabaho at itinuturing na niyang pamilya ang buong cast.
Comments