‘Di maka-move on ang mga Pinoy sa P10-K ayuda ni Cayetano
- BULGAR
- Nov 14, 2022
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | November 14, 2022
BUKAMBIBIG pa rin hanggang ngayon ang P10-K ayuda na pinauso ni Sen. Peter Alan Cayetano.
Diretso kasi ito sa bulsikot ng mga benepisaryo.
◘◘◘
BUNGAD pa lamang ng 19th Congress, inihain ulit ng senador ang panukalang batas para rito.
Hinikayat niya ang mga kapwa senador at DBM na ibigay na ito sa mga pamilyang Pilipino.
Pero walang talab, bakit kaya?
◘◘◘
BIGLANG nagtaasan ang presyo ng mga bilihin, saan kaya makakarating ang P10-K ayuda?
May inilaan na P200 bilyon ang Kongreso para sa ayuda—pero puta-putakti ang pinaglalaanan at halos walang direksyon ang pagba-budget.
◘◘◘
KUMBAGA, tipong miyembro ng “United Nations” ang paglalaanan, imbes na ipokus ito nang sistematiko—tulad ng P10-K kada pamilya.
Tapos sana ang kuwento—at diretsong makatutulong agad sa pag-ahon sa krisis.
◘◘◘
SA totoo lang ay may milyones ang DSWD na hindi na-claim ng dapat sana’y benepisaryo.
Mahaba at masalimuot ang proseso, kaya’t ang nakinabang ay ang “’remittance agency”, kung saan ito itinengga.
◘◘◘
ISIPIN mong may kung anu-anong gimik ang ayuda—may 4P’s, TUPAD, AICS, benepisyong bigay ng LTO sa mga drayber at iba pang tulong na mula sa gobyerno.
Inirerekomenda ni Cayetano na pag-isahin o ikonsolido o simplehan lang ang pagbibigay ng ayuda.
◘◘◘
DAPAT P10-K ayuda na lang—at sakop na ang lahat ng sektor—magsasaka, mangingisda, laborer, tsuper, operator at estudyante.
Ganun lang kasimple.
***
LUMANTAD na si Gerald Bantag.
Maghahalo nang aktwal ang “balat sa tinalupan”.
◘◘◘
MAGPUPULONG ang G20 sa Bali, Indonesia kung saan dadalo ang maunlad sa pinakamauunlad na bansa sa daigdig.
Umaatikabong balitaktakan ‘yan.
◘◘◘
BABABAD sa media ang “G20” ngayong linggo.
Kapag naghuramentado ang heneral, makakaagaw siya ng eksena.
Huwag sana siyang mag-G-string.
◘◘◘
NAGSISIMULA na ang proseso sa seleksyon sa magiging UP president.
Isang isyu ngayon ay kung bakit “two-and-half times” na may mas malaking tsansa ang mayayaman na ma-admit sa UP kumpara sa maliit na tsansa ng mahihirap mula sa liblib na lugar sa bansa.
◘◘◘
KUMAKALAT sa TikTok ang tanong sa University of the Philippines (UP) ng nominadong veteran professor na si Dr. Benito M. Pacheco: Paano kaya kung may makakapasok na freshman mula sa bawat bayan at siyudad sa UP taun-taon?
Paano ba mangyayari ‘yun, UP?
◘◘◘
DAPAT iluklok bilang UP President ang pinakakuwalipikadong nominado, tulad ni Dr. Benny na mula sa isang bayan sa Bulacan.
May sapat siyang karanasan sa akademya sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.








Comments