‘Di maitataob nina Donny, Joshua, Will, atbp… JAMES, ‘DI NA KAILANGAN NG KA-LOVE TEAM, JUSTIN BIEBER NG ‘PINAS
- BULGAR

- 6 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 15, 2026

Photo: IG _james
Nabuwag man ang tandem nila ni Nadine Lustre, may kinang pa rin naman ang career ni James Reid dahil naririyan pa rin ang kanyang mga loyal fans. Siya ang tinaguriang local version ni Justin Bieber.
Hindi na niya kailangan na magkaroon ng ka-love team upang mapanatili ang kanyang kasikatan. Kahit na may mga bagong young actors ngayon na kinakikiligan ng mga bagets tulad nina Donny Pangilinan, Joshua Garcia, Will Ashley, atbp., iba pa rin ang appeal ni James.
Ang kailangan lang ng aktor-singer ay mas maraming exposure, mall shows, at mag-organize ng meet and greet sa mga grupo ng kanyang mga fans. Need din niya ang magagandang TV at movie projects.
Well, dati pa ay mabenta na si James sa mga product endorsements. Tiyak na marami pang offers na darating kung magiging visible siya sa social media.
Marami rin ang nakapansin na hindi na aloof si James sa mga fans. Masang-masa na ang kanyang appeal. Huwag na lang sana siyang babakuran nang husto kapag dumadalo sa mga showbiz events.
NAPAKA-INDEPENDENT woman ni Nadine Lustre na sa edad na 12, nakatulong na sa mga pangangailangang pinansiyal ng kanyang pamilya at napag-aral ang kanyang mga kapatid.
Maagang napatong sa mga balikat ng aktres ang tungkulin na buhayin ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Malaking responsibilidad iyon na kanyang kinayang lagpasan.
Ngayon ay masaya na si Nadine na makitang nasa maayos na kalagayan ang kanyang pamilya. Aktibo pa rin siya sa kanyang career dahil katatapos lang niya ng serye nila ni Alden Richards na Love, Siargao (LS).
In a relationship siya ngayon sa Fil-French businessman na si Christophe Bariou. Hindi pa nila napag-uusapan ang tungkol sa kasal. It seems malayo sa plano ni Nadine ang pagpapakasal at pagkakaroon ng sariling pamilya.
Sey nga ng aktres, isang malaking responsibilidad ang pagkakaroon ng anak at hindi niya alam kung kakayanin niyang magbuntis matapos maging breadwinner ng kanyang pamilya. Pero kung sadyang ibibigay at darating ang kanyang anak, kanyang tatanggapin.
MARAMING Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nagpapayo kay Arnell Ignacio na buweltahan at idemanda ang mga taong nanira sa kanya at kinasuhan siya ng plunder.
Ngayong ibinasura ng Ombudsman ang corruption complaint laban kay Ignacio, pagkakataon na niya na balikan ang nagsampa ng kaso laban sa kanya.
Hinihiling din ng Department of Migrant Workers (DMW) na magkaroon ng Motion for Reconsideration sa natitira pang isang kaso laban kay Arnell, ang usurpation of authority.
Dahil sa magandang record at performance niya sa panahon ng kanyang pag-upo sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), naniniwala ang marami na malilinis din niya ang kanyang pangalan at tuluyang makakamit ang hustisya.
Samantala, marami ang nagtatanong kung wala bang ibibigay na sanction sa mga taong nag-akusa at nagdemanda kay Arnell upang maalis siya sa kanyang puwesto sa OWWA?
Paano na ang kanyang reputasyon at imahe na nasira sa mata ng publiko? Dapat ay muli siyang ibalik sa OWWA o bigyan ng ibang puwesto sa gobyerno.
MAY bagong diskarte ang mga artista ngayon sa pagpo-promote ng kanilang pelikula at TV show. Ito ay ang palengke tour na sinimulan nina Bea Binene at Wilbert Ross para i-promote ang serye nilang Love U Lots (LUL). Namimigay sila ng mga libreng gulay, prutas, bigas, atbp. sa matataong lugar.
Ganito rin ang ginawa nina Barbie Imperial at Richard Gutierrez para sa promo ng serye nilang Blood vs. Duty (BVD). Pinagkaguluhan sila sa kanilang pag-iikot sa
Nepa Q-Mart, Balintawak Market, Muñoz Market at Commonwealth Market.
Naalala tuloy ng mga fans ang dating style ng pagpo-promote ng Guy and Pip love team.
Well, let’s see kung magiging effective ito sa mga bagong artista ngayon.





Comments