'Di lang sitcom… JOHN LLOYD, GAGAWA RIN NG MOVIE SA GMA-7
- BULGAR
- Jun 2, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | June 02, 2021

Hindi lang pala guesting sa Shopee at sitcom with Andrea Torres ang gagawin ni John Lloyd Cruz sa GMA-7, balitang gagawa rin ito ng pelikula sa GMA Pictures.
Ang sabi, nakapag-usap na ang aktor at ang president ng GMA Pictures na si Annette Gozon-Valdez para sa posibilidad ng pelikulang gagawin sa GMA Pictures.
Kung matutuloy ngang gumawa ng pelikula sa GMA Pictures si John Lloyd, sino kaya ang kanyang makakapareha? Gugustuhin ng mga fans na si Bea Alonzo ang makatambal ni John Lloyd sa pagbabalik niya sa paggawa ng pelikula.
Sa episode ng Wowowin last Monday, kinumpirma ni Willie na bukod sa guesting ni John Lloyd sa June 6 sa special show ng Shopee, may gagawin siyang isa pang project. Ang clue ni Willie, masaya ang project at makakasama niya ang aktres na si A.T.
“May inaayos kami at ang makakasama niya ay si A.T. Huwag kang mag-alala, hindi ka namin pababayaan,” pangako ni Willie.
Of course, ang A.T. na binanggit ni Willie ay si Andrea Torres at susuportahan daw ng GMA Network ang project. Nabanggit pa ni Willie na kasama si John Lloyd sa magiging producers sa mga gagawin nitong projects.
Kaugnay nito, naghahanap si Direk Bobot Mortiz ng mga bagong writers para sa gagawing sitcom nina John Lloyd at Andrea. Ipinangako rin ni Willie na ia-announce niya ang update sa mga projects na gagawin ni John Lloyd.








Comments