top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

‘Di lang fake news vloggers ang patawan ng mabigat na parusa, dapat pati online gambling lords

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 30, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 30, 2023


BUTI PA SI SEN. IMEE MAY PUSO SA MAHIHIRAP, PERO UTOL NIYANG PRESIDENTE, WALA! -- Nanawagan si presidential sister, Sen. Imee Marcos sa Dept. of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bawiin na ang kanilang “deadly deadlines” sa mga tsuper ng traditional jeepney at UV express na maaapektuhan sa ipaiiral na Public Utility Vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan na magsisimula sa January 1, 2024, kaya lang tablado ang panawagang ito ng senadora dahil matigas ang paninindigan ng administrasyon ng kanyang kapatid na si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na wala nang atrasan ang PUV modernization program.


D’yan makikita na mas may puso sa mahihirap na tsuper si Sen. Imee kaysa utol niyang si P-BBM, period!

 

◘◘◘


HINDI LANG MGA TSUPER NG TRADITIONAL JEEPNEY AT UV EXPRESS ANG PAHIHIRAPAN NG MARCOS ADMIN, KUNDI PATI MILYUN-MILYONG PASAHERO -- Sa ipaiiral na PUV modernization program ng Marcos admin ay simula sa January 1, 2024 ay tatanggalan na ng prangkisa ang nasa 73.5% na mga traditional jeepney at UV express sa buong bansa, at dahil d’yan ay asahan nang nasa higit 28.5 milyong pasahero ang maaapektuhan kasi halos wala na silang masasakyang public transport sa kanilang mga pupuntahan.


Ang nais nating ipunto rito, ay hindi lang mga tsuper ng mga traditional jeepney at UV express ang pahihirapan ng Marcos admin sa pagpasok ng year 2024, kundi pati ang milyun-milyong pasahero, tsk!


◘◘◘


HINDI LANG MGA FAKE NEWS VLOGGERS ANG DAPAT SAMPAHAN NG MABIGAT NA KASO, KUNDI PATI MGA ONLINE GAMBLING LORDS -- Pinag-uusapan ngayon sa Kongreso na mas pabigatin pa ang kaso laban sa mga vloggers na nagpapakalat ng fake news sa social media.


Sana, hindi lang mga fake news vloggers ang sampahan ng mabigat na kaso, sana pati mga online gambling lords, kasi sa totoo lang ay marami na ring nabibiktima ang mga mangraraket sa social media, period!


◘◘◘


P3.50 DAGDAG SA KADA TANGKE NG LPG PAHIRAP SA MAMAMAYAN -- Inaprub ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang dagdag P3.50 per kilo sa kada tangke ng liquified petroleum gas (LPG) o cooking gas sa pagpasok ng January 1, 2024.


‘Yan ang masaklap na pang-New Year ng Marcos administration sa mamamayan, buset!

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page