top of page

‘Di lang daw idinidispley… POPS, 58-ANYOS NA, MABENTA PA RIN SA MGA BAGETS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 26, 2025
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 26, 20255



Photo: Pops Fernandez - IG


Marami ang nagsasabing hindi tumatanda ang tinaguriang Concert Queen na si Pops Fernandez. Maganda pa rin siya at malakas ang karisma, kaya naman hindi nakapagtataka na marami pa rin ang umaaligid at nagpaparamdam sa kanya kahit 58 years old na siya ngayon.


Nang mag-guest si Pipay (Pops) sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), inamin niya na may mga bagets siyang nakarelasyon. Hindi nga lang alam ng publiko dahil hindi niya idini-display at hindi ipino-post sa social media. 


Meron ding na-link sa kanya na isang pulitiko. Naging malapit noon si Pops sa billionaire businessman na si Chavit Singson, kaya marami ang nag-akala na may something special sila. 


Pero sey ni Manong Chavit nang matanong tungkol sa closeness nila ni Pops Fernandez, “She’s just a good friend.” 


Pati nga si Vina Morales ay natsismis din noon sa business tycoon.


Masaya na rin kay Sue… DOMINIC, WISH NA MAGING HAPPY SINA BEA AT VINCENT


HINDI pa rin maiwasan ni Dominic Roque na matanong sa kanya si Bea Alonzo ng ilang entertainment press kapag nakikita siya sa mga events. 


Kahit na may Sue Ramirez na sa kanyang buhay at si Bea naman ay may Vincent Co na rin, marami pa rin ang interesado sa nagdaan nilang relasyon ni Bea.


Pero sabi nga ni Dominic ay nag-quit na siya sa showbiz noon pang 2018 at hindi na siya nag-aartista. May mga negosyo siyang pinagkakaabalahan at may mga kaibigan na nag-o-organize ng mga events na tinutulungan niya. 


Isa na ring content creator ngayon si Dominic, kaya tahimik na ang kanyang buhay. Ayaw na rin niyang magpa-interview tungkol sa relasyon nila ni Sue. Ang aktres na raw ang bahalang magbigay ng update sa media tungkol sa real status nila ngayon.


At sa mga nagtatanong sa kanyang reaction ngayong may bago nang BF si Bea na isang rich businessman na si Vincent, isa lang ang kasagutan ni Dominic — wish niya ang kaligayahan ng dalawa. 


Well, hanggang ngayon, maraming fans nina Dominic at Bea Alonzo ang labis na nanghihinayang na nagkahiwalay sila at hindi nauwi sa kasal ang kanilang relasyon. Bagay na bagay pa naman sila. 



FAMILY decision para kay Ivana Alawi ang balak nilang ibenta ang kanilang mansion sa Bahrain. Five years ago na itong ipina-renovate ni Ivana pero wala namang nakatira at walang magme-maintain. 


Ang mansion na ito ay ipinamana kay Ivana ng yumao niyang ama. Pero sa ‘Pinas pa rin gustong manirahan ng kanyang ina at mga kapatid, kaya plano nilang ibenta na lamang ang mansion sa Bahrain.


Well, may ilang mga bashers ang nang-iintriga at nagsasabing hindi naman daw totoong bahay nina Ivana ang ipinakita niya noon sa kanyang vlog. Pero pinaninindigan ni Ivana na totoong bahay nila ‘yun sa Bahrain at ‘yun ang kanyang aasikasuhin na

ibebenta. Agree naman ang kanyang mom at mga kapatid.


Nang kumita nang malaki si Ivana sa kanyang vlog, ibinili niya ng bahay at sasakyan ang kanyang ina. Natulungan na rin niya ang kanyang mga kapatid. Tuluy-tuloy ang pagkita niya nang milyun-milyon at may mga product endorsements pa siya. 


Nagse-share naman siya ng blessings sa mga nangangailangan. 


Umaapaw ang suwerte ni Ivana Alawi, pero pagdating sa love life ay mailap sa kanya na matagpuan ang kanyang ‘the one’. Hirap siyang makakita ng true love.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page