top of page
Search
BULGAR

'Di lang daw feel i-share sa socmed… KARLA, 1 TAON NANG HIWALAY SA BF

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 3, 2024


Showbiz News
Photo: Karla Estrada / FB

Break na rin daw si Karla Estrada sa dyowa niyang si Jam Ignacio. Napansin ng mga netizens na hindi na nila ipina-follow ang isa’t isa sa Instagram (IG). Burado na rin lahat ang mga larawan nila sa socmed (social media).


Ang huling post ni Karla na picture nila ni Jam ay noon pang March 23, 2023, so mahigit isang taon na silang hiwalay. 


Paliwanag ni Karla, hindi naman niya isine-share sa lahat ang kanyang love life, kaya marami ang hindi nakakaalam na break na sila ni Jam. Hindi na rin daw niya kailangang mag-explain at magbigay ng detalye kung bakit sila nag-break.


Sa kanyang career at negosyo na lang ibinubuhos ni Karla ang kanyang panahon ngayon kaya mabilis naman siyang naka-move on. 


Maraming grupo naman ng mga pulitiko ang kumukumbinse kay Karla na tumakbo sa anumang posisyon sa kanilang lalawigan, pero tinitimbang pa ni Karla Estrada ang lahat, ayaw niyang pumasok sa political arena na hindi handa sa laban.


Kahit na sumubok siya noon sa pangangampanya sa isang partylist, hindi pa sapat ang kanyang kaalaman sa larangan ng pulitika. Ang tangi niyang maipagmamalaki ay hands-on siyang maglingkod bilang isang public servant.


 

Imbestigasyon, ongoing na… SANDRO, TODO-PAKIUSAP NA 'WAG NANG PAGPIYESTAHAN ANG PANGRE-RAPE SA KANYA


Showbiz News
Photo: Sandro Muhlach / IG

Ongoing na ang pag-iimbestiga ng awtoridad sa rape incident na nangyari kay Sandro Muhlach na naganap pagkatapos ng GMA Gala 2024. 


Humihingi ng hustisya ang pamilya ni Niño Muhlach (ama ni Sandro). Nagbigay na rin ng statement sa media ang GMA Network tungkol dito. Tiniyak ng GMA-7 na wala silang kakampihan at hindi pagtatakpan ang may sala.


Samantala, pakiusap naman ni Sandro ay magkaroon ng confidentiality sa gagawing imbestigasyon. Hiling niya ay huwag nang idetalye sa media ang kanyang pinagdaanan upang hindi na pagpiyestahan ng lahat. 


Traumatic para sa batang aktor ang kanyang pinagdaanan at tama lang siguro na bigyan siya ng katahimikan habang gumugulong ang imbestigasyon dahil magiging sentro lang siya ng panghuhusga ng publiko.


‘Wag nang palakihin pa ang isyu. Sapat nang may aksiyon na ginagawa ang mga awtoridad at mapaparusahan ang mga may sala. 


 

Aga, jackpot daw sa misis, super proud… CHARLENE, 'DI MALUHO, TODO-INVEST SA PROPERTIES KESA BUMILI NG BRANDED BAGS


Showbiz News
Photo: Charlene Muhlach / IG

Hindi materialistic si Charlene Gonzales. Ito ang ipinagmamalaki ni Aga Muhlach at super proud siya dahil hindi maluho ang kanyang misis. 


Matipid at marunong ding humawak ng pera si Charlene at sa kanilang dalawa ay si Aga ang mas magastos.


Well, sanay si Charlene sa simpleng buhay. Mahilig siyang mag-save at mag-invest sa mga properties. 


Pinupuri rin ni Aga ang kanyang misis dahil hindi ito mahilig sa mga branded na gamit, hindi rin madalas mag-shopping kapag nasa abroad sila. Kapag bumibili ng bags si Charlene ay 3 to 4 years bago ito palitan.


Hindi rin impulsive buyer si Charlene, kaya maraming tips na natutunan si Aga kung paano magtipid. 


Marami ang nagsasabing ang suwerte ni Aga Muhlach kay Charlene dahil maganda na, wais pa. 


Ngayong malalaki na ang kanilang kambal na anak na sina Atasha at Andres, ine-enjoy nila ang kanilang bonding sa TV5 sitcom na Da Pers Family.


 

Isang fundraising concert ang ginawa ng ilang OPM singers para sa folk singer na si Coritha, na may malubhang sakit at nangangailangan ng financial assistance. 


Sa August 5, 7 PM ay magtatanghal ang mga kaibigan niyang singers para sa Awit Para Kay Coritha Concert na gagawin sa My Bro's Mustache Folk Bar sa Hive Hotel, Quezon City. 


Ilan sa mga magpe-perform ay sina Bayang Barrios, Cooky Chua, Lolita Carbon, Bobby Mondejar, Mike Villegas, Toto Sorioso, Corky atbp. 


Maraming pinasaya si Coritha sa kanyang mga pinasikat na songs tulad ng Lolo Jose, Sierra Madre, Oras Na, Gising Na, O Kuya Ko atbp..


Tumigil sa kanyang pagkanta si Coritha nu'ng taong 2000 dahil dumanas siya ng depression nang masunog ang kanyang bahay. Kinupkop siya ng isang kaibigan na may farm sa Tagaytay nang wala siyang matulugan. 


Diabetic si Coritha at ilang beses na siyang na-stroke, kaya nananawagan ang mga kapwa niya singers na tulungan siya sa pagpapagamot.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page