ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Dec. 8, 2024
Photo: Sylvia Sanchez - Instagram
Hindi lang artista si Sylvia Sanchez, siya rin ang producer ng Topakk na nag-aasikaso sa lahat ng aspeto at maging sa pagpo-promote ng kanilang pelikula na pinalad mapili para sa MMFF 2024.
Si Sylvia ang aligaga at hands-on sa pagsu-supervise at pagma-market ng movie abroad.
Nauna na kasing naipalabas ang Topakk movie sa iba't ibang film festivals abroad tulad ng Cannes, Locarno at maging sa Austin, Texas.
Bukod sa pagpo-promote ng movie, kasama rin si Sylvia sa mga TV guestings ng cast.
Sa sipag at dedikasyon ni Sylvia Sanchez bilang movie producer, parang nakita namin sa kanya ang Regal Matriarch na si Mother Lily Monteverde. Si Mother Lily, malakas ang karisma sa mga moviegoers. Alam din niya kung papatok ang isang pelikula.
Ganu'n na ganu'n si Sylvia, napaka-personal din ng pakikitungo niya sa kanyang mga artista.
Matunog na matunog ang pangalan ni Dennis Trillo na mananalong Best Actor sa
darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.
Ibang Dennis daw ang mapapanood ng lahat sa kanyang role sa pelikulang Green Bones (GB).
Base sa teaser ng movie na ipinasilip na, markado at malakas ang impact ng character ni Dennis sa GB, tiyak daw na magiging mahigpit siyang kalaban nina Aga Muhlach at Arjo Atayde bilang Best Actor.
Truly deserving kahit na sino sa kanila ang manalo. Ang titindi ng ginampanang role nina Dennis Trillo (Green Bones), Aga Muhlach (Uninvited), at Arjo Atayde (Topakk) sa kani-kanilang entry sa 50TH MMFF.
Feeling napakaguwapo naman nitong si Anthony Jennings na nagawang manloko at paglaruan ang feelings ni Maris Racal.
Matagal na niyang karelasyon si Jamella Villanueva, pero nakipag-break sa dating nobya para umangat ang kanyang career.
Alam ni Anthony na malungkot at brokenhearted si Maris dahil sa breakup nila ni Rico Blanco. Sinamantala niya ito at patuloy na nagpanggap na mahal ang aktres, ayon na rin sa kuwento ni Maris.
Ilang beses naman daw siyang tinanong ni Maris sa estado ng relasyon nila ni Jamella Villanueva, at ang naging kasagutan ni Anthony ay single na siya at matagal na silang break ng GF.
So, ano'ng intensiyon ni Anthony kung ganu'n? Paibigin si Maris para sumikat ang kanilang love team?
Tama lang na buwagin na ang tambalang MaThon (Maris at Anthony) at bigyan ng leksiyon si Anthony na ang image ngayon ay user na, cheater pa.
No wonder na tulad ni Maris, bina-bash at durog siya sa mga netizens. Wala siyang balls para aminin ang kanyang ginawang panloloko.
Nagde-demand ngayon si Maris kay Anthony Jennings na siya naman ang magbigay ng statement tungkol sa nakakahiya at kontrobersiyal na isyu sa kanilang relasyon, pero tanging "sorry" ang sinabi ng aktor sa publiko.
Samantala, dahil sa nangyari, posibleng mag-demand ng refund ang ilang kumpanya sa kanilang ibinayad kina Maris at Anthony bilang endorsers dahil may nilabag sa morality clause at posibleng wala na ring kumuha pa sa kanila para mag-endorse.
Comentarios