top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Di kinaya ang ginawa ng mga pulis kay Reina Nasino.. KAKIE, NAPAMURA NG "T*NG INA" SA SOBRANG GALIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 19, 2020
  • 1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 19, 2020




Bagama't kilala ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie o Kakie sa pagiging vocal sa kanyang mga opinyon, lalo na sa mga national issues, marami pa rin ang nagulat na kaya palang magbitaw ng mura ni Kakie kapag galit na galit.


Sa kanyang Twitter account three days ago, malutong na "T*ngina nakakagalit lahat" ang naging tweet ni Kakie na sinundan pa ng "T*ngina nyo ina deserves better."


Ang naturang tweet ay kaugnay ng pagkadismaya ni Frankie sa naging treatment ng mga pulis sa nakulong na aktibistang si Reina Nasino nang dumalo ito sa burol at libing ng namatay na anak, kung saan makikitang naka-posas pa si Reina habang iniiyakan ang anak na nasa loob na ng kabaong.


Umani ng mahigit 30 thousand likes at 7,547 retweets ang naturang tweet ni Kakie kung saan napamura na nga siya dahil 'di na kinaya ang galit sa nangyari.


Pero kung may mga naintindihan ang pinanggagalingan ni Kakie, meron din naman ang nagkumpara sa kanya sa kanyang Ate KC Concepcion na kahit daw galit na ay never nakapagmura sa kanyang social media account.


Bilib pa nga raw ang ilang netizens kung paano i-handle ni KC ang kanyang mga bashers na namba-bodyshame sa kanya.


Well, ang sagot lang diyan, iba si KC, iba si Kakie! 'Yun na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page