top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Desisyon sa pagbaba sa Alert Level 1, malapit nang malaman

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 26, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | February 26, 2022



Matatandaang inirekomenda na ng Metro Manila mayors na ilagay sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR) mula sa Marso 1.


Gayunman, natanggap na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang resolusyon at nakatakda nitong ianunsiyo ang desisyon ngayong weekend.


Samantala, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, kung sakaling matuloy ang Alert Level 1, mananatili ang pagsusuot ng facemask ng mamamayan upang maiwasan ang hawahan.


Malapit na ngang magkaalaman kung isasailalim na sa pinakamaluwag na alert level ang Metro Manila, pero bago ang lahat, hangad nating makabubuti para sa bawat isa ang desisyon ng mga kinauukulan.


Lalo pa’t sa kabila ng rekomendasyon na maaari nang ilagay sa Alert Level 1 ang rehiyon, humihiling ang samahan ng pribadong ospital na maghintay muna bago payagan ang pagluluwag.


Giit ng samahan, sa oras na mailipat sa mas maluwag na alert level ang NCR, maaaring isantabi ng mga tao ang pagsunod sa mga minimum health protocols, tulad ng pagsusuot ng facemask at physical distancing.


Kailangan umanong alamin muna ang magiging sitwasyon sa NCR sa susunod na dalawang linggo bago ilipat sa Alert Level 1, ngunit kung ipatutupad ito ng pamahalaan, handa umanong sumunod ang samahan.


Habang tinitiyak ang kahandaan nating mamuhay sa ‘new normal’, dapat handa pa rin tayo sa anumang puwedeng mangyari. Hindi naman sa pagiging nega, pero mabuti nang maging handa tayo.


Paalala lang sa lahat, ginagawa ang mga pagluluwag na ito para sa makapamuhay tayo sa ‘new normal’ sa kabila ng patuloy na pakikipaglaban sa pandemya at ‘di para isawalambahala ang banta ng sakit.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page