Derek, todo-deny na hiwalay na sila… ELLEN, TODO-PARINIG TUNGKOL SA CHEATING
- BULGAR

- Sep 4
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 4, 2025

Photo: Ellen Adarna / File
Mixed ang mga reactions ng publiko sa mga posts sa social media nina Ellen Adarna at Derek Ramsay.
Itinanggi ni Derek ang balitang hiwalay na sila ni Ellen kaya lumipad ang misis pa-Amerika kasama ang dalawang anak na sina Elias at Lily.
Sey ni Derek, fake news ang lahat ng balitang lumalabas at gusto lang daw sirain ang pagsasama nila ni Ellen.
Pero ang labis na ipinagtataka ng mga netizens ay bakit pumunta sa Bali, Indonesia si Derek para sa “healing.” May larawan pa nga siyang umiiyak habang kino-console ng isang healing instructor. Patunay ito na may mabigat na pinagdaraanan si Derek Ramsay.
Samantala, may mga cryptic posts naman si Ellen patungkol sa cheating. Wala siyang direktang pinangalanan pero marami ang nagsasabing ang mister niya ang pinatutungkulan. May statement pa nga si Ellen na kapag siya ay niloko, kaya niyang iwanan ang sinuman kahit mahal niya.
So, sino kaya kina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang nagsasabi nang totoo? Kailan nila aaminin sa publiko ang real status ng kanilang relasyon ngayon?
Binata pa noon si Janno Gibbs ay naging tatak na niya ang pagiging chickboy. Marami siyang nakarelasyong artista pero si Bing Loyzaga ang kanyang pinakasalan.
Ganunpaman, hindi naalis ang pagiging babaero ni Janno Gibbs at maraming pagsubok ang pinagdaanan ni Bing sa kanilang married life hanggang sa mauwi sa paghihiwalay ang lahat.
Pero hindi naputol ang connection niya sa mga anak, patuloy niyang ginampanan ang kanyang responsibilidad bilang padre de familia. Hindi siya lumayo sa kanyang mga anak kahit nakabukod sila ng tirahan.
Hanggang sa dumating ang panahon na nagawa na rin ni Bing na patawarin si Janno sa mga nagawang kasalanan at muling nabuo ang kanilang pamilya.
Ngayon ay idinadaan na lang nila sa biro ang tungkol sa mga chicks na nagdaan sa buhay ng aktor-singer.
Kuwento nga ni Bing, madalas daw na nahuhuli niya ang pambababae ni Janno. Matalas daw ang kanyang radar kaya nabibisto niya agad kung may chicks na itinatago ang kanyang playboy na mister.
Ngayong nag-mature na, sa halip na ma-stress at mamroblema, tinanggap na lang ni Bing ang pagiging chickboy ni Janno.
Sey naman ni Janno Gibbs, lumipas na ang kanyang pagiging babaero at nagbago na siya. Masaya na siya na kasama si Bing Loyzaga at ang kanilang mga anak.
BAGO pa pumasok sa showbiz si Gabbi Garcia ay taglay na niya ang rich girl image dahil likas na mayaman ang kanyang pamilya. Ang kanyang mom ay isang flight steward at businessman naman ang kanyang dad.
Sa exclusive schools nag-aral si Gabbi, branded ang kanyang mga gamit at madalas magbakasyon abroad.
Tulad ni Heart Evangelista, sosyal ang image ni Gabbi. Pero hindi niya ipinararamdam sa mga kasamahang artista na richie rich ang kanyang pamilya.
Napaka-down-to-earth niya, humble at walang kaere-ere. Hindi feeling big star kung umasta kaya kasundo siya ng lahat.
Hindi rin niya ipinagmalaki sa social media ang status ng buhay nila. Kung nakakapag-travel man siya abroad, sarili niyang pera ang kanyang ginagastos na galing sa kinikita niya sa showbiz.
Maging ang mga branded niyang gamit ay pinaghirapan niyang bilhin. Hindi rin ipinagyayabang kung anuman ang mga achievements na kanyang nakamit.
Classic ang beauty ni Gabbi Garcia kaya marami siyang endorsements at madalas na kuning host sa mga events.
NAKAKA-INSPIRE panoorin ang mga personalidad na ipini-feature ni Ka Tunying (Anthony Taberna) sa kanyang podcast.
Mga successful businessmen ang kanyang itinatampok at dito ay nagkukuwento sila ng kanilang mga karanasan bago naging matagumpay sa negosyong kanilang pinasok.
Hard work, perseverance at determination ang kanilang puhunan upang magtagumpay sa negosyo at maging milyonaryo. Mga simpleng tao sila na hindi nagdi-display ng kanilang magagarang mansion at collection ng luxury cars.
Sa kabila ng pagiging milyonaryo ay nanatiling simple ang kanilang buhay at hindi mga “nepo babies” ang kanilang mga anak.
Nagpapakita sila ng magandang example sa mga nagnanais magtagumpay sa negosyo. Marunong magpahalaga sa perang pinaghirapan ang mga millionaire businessmen na naka-one-on-one ni Ka Tunying sa kanyang YouTube (YT) channel na Tune In Kay Tunying (TIKT). Maraming bagay na matututunan ang mga baguhang negosyante sa kanila.








Comments