top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Derek, tinatakam daw… ANDREA, TODO-BUYANGYANG NG KATAWAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 29, 2020
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 29, 2020




Ibinuyangyang ni Andrea Torres ang kanyang magandang katawan na naka-bikini sa bago niyang IG post.


Nilagyan ito ng Kapuso actress ng caption na: "Gearing up for 2021."


Kahapon nang umaga (Lunes, Dec. 28), trending ang post na sexy photo ni Andrea sa social media. Naka-two-piece bikini si Andrea na kuha ni Xander Angeles.


Sa Instagram account ni Xander, ibinahagi rin niya ang black and white photo ni Andrea na talaga namang kabigha-bighaning tingnan, lalo na sa mata ng mga kalalakihan.


Caption ni Xander, “If you are always trying to be normal, you will never know how amazing you can be."


Komento nga ng isang netizen, hindi kaya tinatakam-takam ni Andrea ang ex-boyfriend na si Derek Ramsay?


Halos isang buwan pa lang nag-break sina Andrea at Derek. Ilang araw munang nanahimik ang Kapuso actress bago nagsalitang hiwalay na nga sila ng Kapuso actor.


After niyang kumpirmahing hiwalay na sila ay may mga stunning selfie photo ang aktres na naka-post sa kanyang Instagram at may simpleng caption na: “Grateful.”


Sa ngayon ay abala si Andrea sa teleseryeng Legal Wives na pinagsasamahan nila nina Bianca Umali, Alice Dixson at Dennis Trillo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page