top of page

Derek, nakahanap daw ng katapat… ELLEN, MAY TIPS SA MGA BIKTIMA NG MGA BABAERONG MISTER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 4 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | November 25, 2025



Kaya ‘di makauwi sa sariling bahay… DEREK, NOT ONCE BUT TWICE IPINA–BARANGAY NI ELLEN

Photo: IG / Ellen



Sey ng mga netizens, si Ellen Adarna ang katapat ni Derek Ramsay, dahil sa dami ng ex-girlfriends nito na nasaktan dahil sa pagiging babaero nito, si Ellen ang nagsilbing spokesperson ng mga exes ni Derek.


Nag-share ng tips ang dating aktres kung paano i-handle ang mga isyu ng cheating, manipulation, at gaslighting.


‘Patron saint’ kung ituring ngayon ang estranged wife ni Derek ng mga taong naloko o pinagtaksilan ng kanilang mga karelasyon dahil inilahad nito sa publiko ang ginawa sa kanya.


May netizen pa na nagpasalamat kay Ellen, “Thank you because now I know that I am not the only one in this. And someone had the courage to step out and walk away.”

Sumagot si Ellen na marami raw siyang natatanggap na mensahe at nag-share ng tips sa mga puwedeng gawin laban sa mga manlolokong partners.


Aniya, “I got so many messages, and these are my tips:

1. Screenshot faster than they can unsend.

2. Record like you’re filming a documentary. Know what really happened and review everything — they love to rewrite history, evidence doesn’t. They’ll bend your reality and make you question your sanity.

3. Keep everything in writing. They love storytelling and playing the victim, but they hate receipts.

4. Back up your files like it’s the end of the world.

5. Make a timeline — their lies have seasons.

6. Stay calm.

7. Secure your phone. Change passwords.

8. Collect quietly. Don’t disturb their delusion.

9. Gather witnesses. This strengthens your evidence.

10. Lawyer up. Protect yourself. Collect the truth — and let them choke on it.


Dagdag pa niya sa kanyang IG stories, “And lastly, see a therapist & build a strong support system. Healing is power.”


Samantala, tawang-tawa rin ang aktres sa alibi ng estranged husband na nakulam siya.


“He’s convinced that an ex-girlfriend made him kulam. All of a sudden there was this bowl of salt with garlic in it describing how their helpers claimed it was placed for protection. Blame it on the kulam,” sey pa ni Ellen Adarna.


Wala pang pahayag ang aktor na si Derek Ramsay ukol dito.



X’mas wish daw niya… 

RICHARD: SANA AY WALA NANG NAKAW





NAGTAWANAN ang lahat sa sagot ni Richard Gutierrez kung ano’ng horrific role ang gusto niyang gampanan na kabaligtaran ng karakter niya sa Shake, Rattle & Roll: Evil Origins (SRR:EO) episode 2050 na idinirek ni Joey de Guzman.


“Isang horrific character? Siguro… isang contractor,” sabi niya, kaya nagtawanan at nagpalakpakan ang lahat.


“Hindi, joke lang,” bawi niya na tila inayunan siya ni Manilyn Reynes na katabi niya.

Pagpapatuloy ni Richard, “Possess ng evil spirit, saka siguro slasher din. Gusto ko rin ‘yung ganu’ng films, slasher films, mga Mike Myers (Halloween franchise) kind of thing. Fan din ako ng serial docu, pinapanood ko rin talaga. Yeah, maybe one day.”


Dahil Evil Origins ang SSR, natanong ng aming patnugot sa BULGAR na si Janice Navida si Richard kung kanino siya mas takot – sa evil spirit o sa evil person, at naging biktima na ba siya ng evil person at paano niya ito hinarap?


Sagot niya, “‘Yung evil spirit kasi, they can go into any person. ‘Pag weak ‘yung person na ‘yun, the evil spirit can go inside that person. Nakakatakot ‘yung evil spirit kasi it can touch many people and certain people can touch other humans in a big way, just like what’s happening now in front of our eyes. Gaya ng sabi ni Ms. Carla (Abellana), evil is everywhere.

“But the real battle is how do we eliminate the evil spirits in those people. Let’s just pray for them. Siguro ‘pag nakulong na sila, mare-realize nila at makakapagdasal-dasal sila,” paliwanag ng aktor, kaya naghiyawan na naman ang lahat dahil patungkol ito sa mga sangkot ngayon sa flood control scam.


Sa kabilang banda, labis ang pasasalamat ni Richard na napili siya ng Regal Entertainment producers na sina Roselle Monteverde at Atty. Keith Monteverde para bumida sa episode na 2050 ng SRR:EO, na official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025.


Sabi ni Richard, “It’s a huge franchise. The idea that it is a continuation of the highly successful Shake, Rattle & Roll series of films is, in itself, a huge attraction. It’s an honor to be part of its legacy.”


Sa tagal na ng aktor sa showbiz, simula 1986 bilang child actor at kahit pormal na siyang napasama sa mga programa ng GMA-7 noong dekada 2000, sa 25 years niya, ngayon lang pala siya napasama sa SRR franchise ng Regal Entertainment.

Kasama ng aktor sa episode na 2050 sina Ivana Alawi, Dustin Yu, Matt Lozano, Celyn David, Raven Rigor, Angelica Lao, Shecko Apostol, Sarah Edwards, Maika Rivera, at Manilyn Reynes.


“I am happy to be back, and it’s going to be a busy Christmas. It’s fun to go to the cinema, so I’m excited for this Christmas. I haven’t done a horror film in a while. This is exciting because it has an action-oriented flavor. 


“It’s a story of survival. It’s against all odds. Nandu’n ang horror and jumpscare pero we added a touch of action. It’s a different action you’ve seen on Incognito and Iron Heart. It’s like a raw action.


“I am a big fan of horror movies, especially recent ones made abroad. I’ve seen most of it. I’ve done several horror films, and I’ve always wanted to do it again. Shake, Rattle and Roll: Evil Origins is perfect timing. It’s a project I couldn’t say no to,” pahayag ni Richard.


At siyempre, ang kasamang manonood ng aktor sa Christmas Day ay ang dalawang anak na sina Kai at Zion.


Kuwento niya, “They’ve been asking a lot of questions about it. I took photos of myself with makeup and prosthetics, so they were curious how it was done. I’m excited to bring them to the cinemas this Christmas.”


Wish ni Richard ngayong 2025, “Sana, maging successful ang MMFF overall. Sana ay maging successful ang Shake, Rattle & Roll, at sana, maging masaya ang lahat ng Pilipino ngayong Pasko. 


“Sana ay wala nang delubyo, sana ay wala nang nakaw, at sana, magkaroon tayo ng peace and love ngayong Christmas.”


Sana nga ay matupad ang wish mo, Richard.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page