Derek at Ellen, kasal na!
- BULGAR

- Nov 11, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | November 11, 2021

Ginanap na ngayon ang kasal nina Derek Ramsay at Ellen Adarna.
Sa Instagram account ni Ellen, makikitang nakasuot siya ng wedding gown at sa Facebook account naman ni Derek ay nag-post ito ng larawan niyang naka-suit na may caption na: “Cheers to my beautiful future. I love you you my dear wife! @maria.elena.adarna”
May post din si Derek sa FB account niya ng larawan niyang kasama ang kanyang ama, gayundin ang kanyang binatang anak at ilang malalapit na kaibigan.
Sa IG fanpage account naman ni Ellen ay nag-post ito ng short video clip ng ina ng aktres na may caption na: ellen_adarna2021
Mother of the bride...🤩😍
#111121#edetona #ellentaongnaghintaysiD
Nitong hapon ay may mga nag-post na rin ng video at larawan ng mismong kasal ng aktor at aktres.
Wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ng bagong kasal.





Comments