top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

DepEd at PS-DBM, kasuhan at ikulong sa P2.4B scam

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 27, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 27, 2023


ANGAKO NG MGA TRAPONG SINA P-BBM AT SEN. CAYETANO NAPAKO -- Ang promise ng noo’y presidential candidate Bongbong Marcos, iboto lang daw siyang presidente ay ibaba raw niya sa P20 ang per kilo ng bigas, at ang promise rin ng noo’y senatorial candidate Alan Cayetano na kapag binoto raw siyang senador ay magkakaroon ng tig-P10k ayuda ang bawat pamilyang Pinoy.


Nang manalong presidente si P-BBM at manalong senador si Cayetano, ang promise nila ay napako, hindi nila tinupad.


Maging aral sana ito sa mga botanteng Pinoy, na huwag maniwala sa promise ng mga trapo (traditional politician) na tulad nina Marcos at Cayetano, boom!


◘◘◘


TAWAG SA MGA PULITIKONG HINDI TUMUTUPAD SA PANGAKO, TRAPO! -- Para sa mga hindi pa nakakaalam, ang salitang “trapo” ay patungkol sa isang basahan, kaya’t ang tawag sa mga pulitikong gumagawa ng mga maruming taktika kada-eleksyon ay mga trapo.


Kabilang sa maruming taktika ng mga trapo tuwing eleksyon ay paggamit ng maraming pera at nangangako ng kung anu-ano sa mga tao para sila ay iboto, at kapag naluklok na, at nagkaroon ng kapangyarihan sa gobyerno, ang pangako ay hindi tutuparin, na ika nga, pangakong napako, period!


◘◘◘


BABAENG TRAPO SI SEN. PIA CAYETANO -- Hindi lang mga lalaking pulitiko ang tinataguriang mga trapo, meron ding mga babaeng pulitiko tulad ng ate ni Sen. Alan Cayetano na si Sen. Pia Cayetano na kakandidato uli sa pagka-senador sa 2025 senatorial election.


Noong 2019 election, ang ipinangako ni Pia Cayetano sa mga botante na iboto lang daw siya sa pagka-senador ay ipagtatanggol daw niya ang karapatan ng kababaihan. Siya raw ang magiging boses ng kababaihan sa Senado, pero nang manalong senador ay hindi niya ito tinupad, nawalan siya ng boses sa Senado, “nganga” lang siya sa mga ginagawang pambabastos ni ex-P-Duterte sa mga kababaihan, tulad ng sinabi ng ex-president na barilin sa ari ang mga babaeng New People’s Army (NPA), makipag-lips-to-lips sa babaeng may asawa sa South Korea at ibida na minolestiya raw niya ang kanyang yaya noong kabataan niya, tsk!


◘◘◘


DAPAT PLUNDER ANG IKASO AT IKULONG ANG MGA TAGA-DEPED AT PS-DBM NA SANGKOT SA P2.4-B SCAM SA PAGBILI NG LAPTOPS -- Sinuspinde ng anim na buwan ng Ombudsman ang mga opisyal ng Dept. of Education (DepEd) at Procurement Service-Dept. of Budget and Management (PS-DBM) na sangkot sa P2.4 billion overprice scam sa pagbili ng mga laptop para sa mga public school teacher.


Aba teka, bakit suspensyon lang? Ang dapat sa mga kurakot na ‘yan sa DepEd at PS-DBM ay kasuhan ng plunder at ikulong kasi P2.4-B in-scam ng mga ‘yan, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page