top of page
Gary V. - IG.jpg

Dennis, nag-emote na naman kay Julia

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2024
1 min read

Updated: Feb 2, 2024

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | February 1, 2024




Nag-post si Dennis Padilla sa Instagram ng larawan ng kanyang anak na si Julia Barretto kung saan sinabi niya sa caption na hindi na niya matandaan ang kanilang huling pagkikita.


Idinagdag pa niya na hindi rin niya maalala kung kailan sila huling nag-usap.

Sa kanyang post, ipinahayag ni Dennis ang kanyang matinding kagustuhan na makita o makausap si Julia.


“Dear Juy... Hindi ko matandaan kailan tayo huling nagkita... Hindi ko din matandaan kailan tayo huling nag-usap...sana anak....,” saad niya sa caption.


Nagbigay din siya ng suporta para sa bagong pelikula ni Julia na “Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko.”


“Good luck sa new movie mo…” aniya.


Matatandaang nagkaroon ng samaan ng loob ang mag-amang Dennis at Julia ilang taon na ang nakararaan at hanggang ngayon ay 'di pa rin kinakausap ng anak ang ama.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page