top of page
Sarah Lahbati - IG.jpg

DENNIS, MAY KASAMANG BLONDE GIRL, KAMPO NAGBANTA NG DEMANDA

Writer: BULGAR
BULGAR
6 hours ago
2 min read

ni Vinia VIvar @Frankly | October 11, 2026



Dennis Trillo - IG

Photo: Dennis Trillo - IG



Nabahala ang Aguila Entertainment sa mga AI-generated (artificial intelligence) videos and photos ng mga alaga nila, partikular na nga ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na lubhang nakakasira sa pangalan ng mga ito.


May mga naglalabasan kasing picture ni Dennis na may kasamang ibang babae na kung hindi mapanuri ang mga makakakita, malaki ang posibilidad na paniwalaan ito.

Makikita nga sa larawan ang aktor na kasama ng isang blonde girl in a very sweet pose na tila pinalalabas na nagtataksil siya sa kanyang misis.


Kaya naman naglabas ng official statement ang management ng DenJen (Dennis & Jenn) upang linawin na hindi totoo ang mga naglalabasang larawan at AI-generated ang mga ito.


“Maging responsable sa paggamit ng social media at paggamit ng AI-generated photos at videos ng mga kilalang personalidad tulad nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.


“Manatili pa ring sensitibo sa paggawa ng post o content kahit na ang layunin ay magpatawa o maghatid ng ‘good vibes,’” ang pahayag ng Aguila Entertainment.

Nagbigay din ng babala ang management tungkol sa paggamit ng mukha ng kanilang mga artist para mag-promote ng iba’t ibang produkto.


“Mahigpit ding ipinagbabawal ang direktang paggamit ng kanilang mga mukha o larawan para i-promote ang inyong produkto o serbisyo sa mga consumer,” saad ng management.

Pinaalalahanan din ng talent agency ang publiko na maging mapanuri at huwag basta-basta maniwala sa mga nakikitang larawang naka-post online. 


Nagbabala rin silang nakahanda silang gumawa ng legal action laban sa mga naglalabas ng maling impormasyon at mga larawan.


“Pinaalalahanan ang lahat na maging mapanuri sa mga nababasa, nakikita, at napapanood ninyo online.


“Patuloy ang aming pag-monitor sa mga naturang post at ‘di kami magdadalawang-isip na gumawa ng karampatang legal action kung sakali mang may matinding paglabag. Maraming salamat,” pahayag pa ng Aguila Entertainment.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page