top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Delta, unbeaten sa NBL; Garcia, susi sa tagumpay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 26, 2022
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | April 26, 2022



Nanatiling perpekto ang defending champion Pampanga Delta matapos ang makapigil-hiningang panalo sa bisitang Parañaque Aces, 80-79, sa pagpapatuloy ng 2022 National Basketball League (NBL) President’s Cup, Linggo nang gabi sa Bren Z. Guiao Convention Center. Bumida si Michael Jeffrey Garcia sa panalong buslo na may anim na segundo sa orasan para sa ikaapat na sunod na tagumpay.


Inagaw ni Rommel Mangalino ng Delta ang bola kay Vincent Alves at ipinasa niya agad kay Garcia para mabuo ang paghabol. May isa pang pagkakataon ang Parañaque subalit nabitawan ni Gabe Capacio ang bola at ibinalik sa Pampanga na may tatlo pang segundo.


Walang duda na si Garcia ang Krooberg Best Player sa 13 puntos, ang pangatlong gawad sa apat na laro. Nanguna sa Pampanga si CJ Gania na may 23 puntos buhat sa pitong 3-points.


Tanging ang Pampanga na lang ang walang talo matapos bahiran ng Quezon Barons ang kartada ng Taguig Generals, 89-87 at putulin ang kanilang limang sunod-sunod na tagumpay. Bumanat ng 5 puntos si Domenick Vera at sinundan ng isa pang shoot ni Alex Ramos upang maagaw ng Barons ang lamang papasok sa last two minutes, 89-86.


Ipinasok ni Keanu Caballero ang isang free throw upang magbanta ang Generals, 87-89, at wala nang pumuntos sa nalalabing 1:24. Nagmintis ang tres ni Dan Anthony Natividad ng Taguig, subalit hindi binilang ng reperi ang tapik ni Lerry John Mayo dahil nauna na tumunog ang huling busina.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page