top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Delta, nilaga ang Buffalos; Lady Defenders, wagi sa WNBL

BULGAR
Mar 28, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 28, 2022




Naglabas ng kakaibang bangis ang Pampanga Delta at kinatay ang bisitang Cagayan Valley Water Buffalos, 139-89, sa pormal na pagsisimula ng kampanya sa 2022 National Basketball League (NBL) President’s Cup handog ng FSD Insurance at Converge Sabado ng gabi sa Bren Z. Guiao Convention Center. Bago noon, lumusot ang Laguna Pistons sa Narvacan Panthers, 95-94, at nakamit ng Paranaque Aces ang unang tagumpay sa Las Pinas Lodis, 92-84.

Naitala ni Michael Jeffrey Garcia ng Delta ang pinakaunang triple double sa kasaysayan ng NBL na 19 puntos, 11 rebound at 12 assist upang walang dudang mapiling Krooberg Best Player. Maliban kay Garcia, pito pang ibang kakampi ang nagsumite ng 12 o higit pang puntos sa pangunguna ng mga baguhang sina Jake Munoz na may 19 at Rommel Mangalino na may 17.

Sinayang ng Pistons ang kanilang 95-87 lamang papasok sa huling minuto at pinalapit ang Panthers. May pagkakataon ang Narvacan sa huling 5 segundo at ibinigay ang bola kay Redel Fabro na sumaksak subalit biglang ipinasa niya ito papalayo sa kakampi sabay tunog ng huling busina.


Sa kasabay na 2022 Women’s National Basketball League (WNBL), itinapal ng dating walang panalong PSI Air Force Lady Air Defenders ang unang talo sa Philippine Army Lady Battalion sa overtime, 76-75. Ipinasok ni Karen Columna ang nagpapanalong three-points mula sa kanto na may 8 segundo sa orasan at hinigpitan ng Air Force ang depensa upang wakasan ang kanilang dalawang magkasunod na talo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page