top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Delta, Lady Battalion at Defenders, sasalang sa NBL

BULGAR
Mar 26, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 26, 2022



Isang bagong-anyong Pampanga Delta ang sasalang sa aksyon ngayon sa 2022 National Basketball League (NBL) President’s Cup sa Bren Z. Guiao Convention. Anim lang na manlalaro mula sa nagkampeon sa Chairman’s Cup noong Disyembre ang babalik at sisikaping makuha ang sunod-sunod na titulo simula sa unang laro vs. Cagayan Valley Water Buffalos ng 6 p.m.


Sina CJ Gania, Renato Liangco, Jeff Santos, MJ Garcia, Mark Jason Tamayo at Ronan Santos ang anim na nakalistang beterano. Sasamahan sila ng mga baguhang sina Charles Delfino, Alemar Diala, Rommel Mangalino, Jake Munoz, Karl Sampang at Matwilliame Deleon.


Wala pang panalo ang Water Buffalo sa dalawang laro at muling aasa sila kay Dahrrel Caranguian, Dan Alberto, Wendell Binarao at Jimmy Schwartz na wakasan ang paghahanap. Galing sa 2 weeks na pahinga ang Cagayan Valley matapos matalo sa Narvacan Panthers, 99-119, noong Marso 12 sa Lucena City.


Sa nag-iisang laro sa 2022 Women’s National Basketball League (WNBL), magsusubukan ang nangungunang Philippine Army Lady Battalion at walang panalong PSI Air Force Lady Air Defenders sa 11:45 a.m. Pangunahin para sa Air Force ang lagyan ng posas ang mga kamay ni Gilas Pilipinas Janine Pontejos na nagsabog ng pinagsamang 54 puntos sa unang dalawang tagumpay ng Army sa Go For Gold Navy Lady Sailors (78-47) at STAN Quezon Lady Spartan (68-60).


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page