top of page
Search
  • BULGAR

Delta, ginapi ang Republicans, para pumasok sa NBL semis

ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 30, 2022



Pasok na ang defending champion Pampanga Delta sa semifinals ng 2022 National Basketball League (NBL) President’s Cup hatid ng Converge matapos wasakin ang bisitang Bulacan Republicans, 95-62, sa tampok na laro Sabado ng gabi sa Bren Z. Guiao Convention Center. Sa naunang laro, sinimulan ng Quezon Barons ang quarterfinals sa 92-82 tagumpay sa Laguna Pistons.

Umarangkada agad ang Delta sa 14-0 lamang at hindi na nakaporma ang Republicans. Hindi pumuntos si Justine Baltazar sa unang hirit ng Pampanga subalit nahanap niya ang kanyang shooting hanggang lumobo sa 82-44 ang kanilang lamang na may 8:42 nalalabi sa 4th quarter.

Nahirang sa ikalawang sunod na laro bilang Krooberg Best Player si Baltazar na nagtapos na may 12 puntos at 17 rebound. Sinuportahan siya nina Matt de Leon na may 12 puntos din at sina Jeff Santos, CJ Gania, Mark Jayson Tamayo at Jake Munoz na may tig-10 puntos.

Nakabawi ang Delta sa Republicans na binigyan sila ng mapait na 97-83 na talo noong Mayo 15, ang unang laro ni Baltazar. Subalit iba na ang Delta kahapon kumpara noon at dumating silang kumpleto ang manlalaro.

Nag-reserba ng lakas ang Barons para sa huling 7 minuto at kumalas mula sa gitgitang palitan ng puntos. Huling hinawakan ng Pistons ang lamang, 75-74, at mula Roon ay nagsama sina Domenick Vera at Christopher Lagrama para sa pitong magkasunod na puntos upang mabawi ang abante at tuluyang lumayo, 81-75.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page