Delivery worker at misis, tiklo sa droga

ni Maeng Santos @News | November 9, 2026

Photo: 2 tulak sa Caloocan nahulihan ng shabu - PNP-NPD
Mahigit P400K halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak kabilang ang 43-anyos na housewife nang maaresto sa buy-bust operation sa Caloocan City.
Ikinasa ng mga tauhan ni Northern Police District Director P/BGen. Benliner Capili ang buy-bust operation laban sa 47-anyos na delivery worker at edad 43 na housewife kasunod ng natanggap na impormasyon hinggil sa umano'y illegal drug activities ng mga ito.
Alas-12:10 ng hatinggabi nang maaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit sa Brgy. 188 nang bentahan umano ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakuha sa kanila ang nasa 62.4 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P424,320 at buy bust money.





Comments